News Releases

English | Tagalog

Mga kwento sa likod ng controversial videos, tatalakayin sa napapanahong serye nina Jake, Dimples, at Charlie

February 04, 2021 AT 06:50 PM

Magsasama-sama sa unang pagkakataon sina Jake Cuenca, Dimples Romana, at Charlie Dizon sa "Viral," isang napapanahong seryeng mula sa ABS-CBN na tatalakayin ang pagkalat ng controversial videos.   

Handog ng RCD Narratives, ang produksyon sa likod ng mga hit serye na "A Soldier's Heart" and "The Killer Bride," ang kwento ng "Viral" na iikot sa isang pamilya na magugulantang ang mundo nang mag-viral ang isang iskandalosong video laman ang panganay nilang anak na si Rica (Charlie).   

Ano kaya ang iskandalong kinasangkutan ni Rica? Anu-ano rin ang sikretong mabubunyag sa paglabas ng video?  

Bukod kina Jake, Dimples, at Charlie, makakasama rin sa bagong serye sina Jameson Blake, Vance Larena, Karina Bautista, Aljon Mendoza. Markus Patterson, Kaila Estrada, at Ria Atayde.   

Abangan ang bagong seryeng pupukaw sa atensyon ng mga Kapamilya malapit na sa A2Z Channel, Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, iWantTFC, at TFC.   

Para sa updates, sundan lamang ang ABS-CBN PR sa Facebook (fb.com/abscbnpr), Twitter (@absbncpr), at Instagram (@abscbnpr).