News Releases

English | Tagalog

ABS-CBN tuloy ang paghahanap ng next "Bida Star"

February 08, 2021 AT 06:43 PM

Patuloy ang pagbukas ng ABS-CBN ng daan para sa mga kabataang nagngagarap na maging Kapamlya star sa panibagong edisyon ng online talent competition nitong "Bida Star Gandang Naturally Fresh."  

  

Maaaring sumali ang Filipino citizens na may edad na 18 hanggang 25, marunong magsalita ng Filipino, at may kakayahang ipakita ang kanilang #GandangNaturallyFresh pagdating sa aktingan at personalidad, hangang Pebrero 12.  

 

 

Lahat ng interesadong sumali ay kailangang mag-submit ng one-minute video sa KUMU kung saan kanilang dapat ibahagi ang kwento kung paano nabago ng isang desisyon ang kanilang buhay na dapat tawaging  

#GandangNaturallyFresh.  

 

Matatagpuan ang mga detalye ng audition sa bit.ly/BidaStarAudition.  


Nagsimula ang search noong Pebrero 1 at nakalikom n aito ng libo-libong audition pero 50 lang ang mapipili para mag-advance sa susunod na round.  

  

Bongga naman ang premyong matatanggap ng Ultimate Bida Star, kasama dito ang ABS-CBN management contract, Eskinol Talent Contract, Star Magic Workshop, sariling digital show, tsansa na makasama ang ilang Kapamilya stars sa isang digital film, at P50,000.   

  

Para sa updates tungkol sa audition at eksklusibong content ng “Bida Star,” i-follow lang ang Star Hunt sa Facebook (@starhuntabscbn), Kumu (@starhuntabscbn), Twitter (@starhuntabscbn), Instagram (@starhuntabscbn), at Tiktok (@starhuntabscbn).