News Releases

English | Tagalog

“PBB housemates,” nominado lahat pagkatapos ma-evict ni Kyron

February 09, 2021 AT 11:04 AM

All housemates up for eviction after Kyron exits “PBB Connect”

After Kyron Aguilera was named as the seventh evictee on “PBB Connect,” the remaining housemates will receive more heartbreaking news as they enter another week inside the “Pinoy Big Brother” house.

Chisquiz task ng housemates, nag-trending sa Twitter
 
Doble ang sakit sa puso ng housemates ni Kuya dahil silang lahat ay nominado for eviction ngayong linggo pagkatapos mapangalanan si Kyron Aguilera bilang ika-pitong evictee sa “PBB Connect.” 
 
Naging mahigpit ulit ang laban noong Linggo (Pebrero 7) pero sa huli, ang Shy Biker Boy ng Butuan ang kinulang sa boto matapos makakuha lamang ng 11.19% na pinagsamang Kumu at text votes. Nanguna naman sa botohan si Gail na may 16.18% na sinundan ni Ralph na nakaani ng 13.70%.  
 
Ngayong linggo ng mga puso naman, mahaharap ang housemates sa isang ‘heartbreaking’ na hamon dahil silang lahat ay kasama sa listahan ng nominado for eviction. 
 
Kailangan ng housemates na magtagumpay sa “Game of Hearts,” kung saan dadaan sila sa tatlong laro na magbibigay sa kanila ng pagkakataon na iligtas ang kanilang sarili sa posibilidad ng pagkaka-evict.  
 
Samantala, naging usap-usapan naman kamakailan lang ang naging “Chisquiz” task ng housemates sa social media, kung saan itinugma nina Ralph at Gail ang mga sinabi ng housemates tungkol sa isang kapwa housemate. 
 
 
Usap-usapan sa Twitter world ang quiz challenge ni Kuya na nagsilbi ring paalala sa viewers kung gaano kahalaga ang komunikasyon, pagiging maingat sa mga binibitawang salita sa kapwa, pag-amin sa pagkakamali, at paghingi ng tawad.  
 
Trending ang #PBBChisQuizPa at pangalan ng iba’t ibang housemates tulad nina Alyssa, Andrea, Ella, Gail, Kobie, Quincy, at Ralph noong Sabado dahil sa mainit at emosyonal na mga pangyayari sa loob ng bahay ni Kuya.
 
May mga netizen na humanga sa pagpapakatotoo ng housemates sa naging Chisquiz at mayroon namang bumilib sa pagpapakumbaba at pag-amin sa pagkakamali ng ibang housemates.
 
Isa si Ella sa mga naglakas-loob na pakinggan ang mga sinabi tungkol sa kaniya ng mga kapwa housemate. 

Payo sa kaniya ni Kuya, “Minsan mahirap talaga malaman kung ano ang mga iniisip ng ibang tao tungkol sa'yo. Baka kailangan mo ring mag-isip kung ano ba talaga ang dahilan nito. Dahil baka ang mga sinasabi sa'yo, doon mangagaling ang tunay na pagbabago, doon mangagaling ang tunay na pagkakaibigan, at pagsasama. At doon din makikilala ang sarili mo ng lubusan.” 
 
Ano kaya ang magiging epekto ng naganap na Chisquiz sa samahan ng housemates? Sinong housemate kaya ang maliligtas sa Game of Hearts? 
 
Tutukan iyan at iba pang mga pangyayari sa “PBB Connect,”  10 pm tuwing Lunes hanggang Sabado sa A2Z channel 11, Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, iWantTFC, at ABS-CBN Entertainment Channel. Samahan din sina Bianca at Robi sa “PBB KUMUnect Tayo” ng 10 pm (Lunes hanggang Sabado) at 8:30 pm (Linggo) at sina Melai at Enchong sa “PBB KUMUnect Tayo Afternoon Show” ng 5 pm sa PBB Kumu account (https://app.kumu.ph/PBBabscbn). Abangan din ang updates ni Richard anumang oras sa araw sa “PBB” official accounts sa Facebook (PBBABSCBNTV), Twitter (PBBABSCBN), Instagram (PBBABSCBNTV), at YouTube (Pinoy Big Brother).   
 
Para sa ibang balita, i-follow ang @ABSCBNPR sa Facebook, Twitter, at Instagram, o pumunta sa abs-cbn.com/newsroom.        

 

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 4 PHOTOS FROM THIS ARTICLE