News Releases

English | Tagalog

"The Best Talk" season 2 ni Boy Abunda, aarangkada na

March 16, 2021 AT 06:26 PM

Boy Abunda's "The Best Talk" to bring more celebrity updates, revelations in its new season

"The Best Talk" season 2 premieres on Saturday (March 20) at 9 pm live on Kumu!

Handa nang maghatid ng mas maraming showbiz updates at revelations 
 
Handa na ang King of Talk na si Boy Abunda para sa mas pinabonggang usapan sa kanyang showbiz-oriented online show na “The Best Talk” ng FYE Channel sa pagbabalik nito sa Pinoy livestreaming app na kumu para sa ikalawang season na magsisimula sa Sabado (March 20), 9 pm.
 
“Expect some entertainment, some fun, some laughter,” ayon sa Kapamilya host. “Bigger and better kasi ngayon it’s more structured,” dagdag pa niya. 
 
Kapanapanabik ang magiging kwentuhan ni Boy kasama ang “Pinoy Big Brother Connect” Big Winner na si Liofer Pinatacan sa episode ngayong Sabado na sasamahan din nila 2nd Big Placer Andrea Abaya, 3rd Big Placer Kobie Brown, at 4th Big Placer Jie-Ann Armero.
 
Para sa bagong season nito, sisimulan ng award-winning host ang “The Best Talk” sa KumuNow segment tampok ang maikling commentary tungkol sa trending celebrity news ngayon. Susundan naman ito ng Drop and Ask na magbibigay pagkakataon si kumunizens na makapagtanong kapag nagdrop sila ng Miss Kumuniverse virtual gift sa tamang oras.
 
Syempre highlight ng programa ang Kumustahan with Boy kung saan makakapanayam niya ang tampok na celebrity guests at matatanong ng questions na nagsisimula sa ‘kumusta’. Kikilalanin din niya ang mga sumisikat na streamers na handang ibida ang kanilang mga talento sa May K Ka! portion.
 
Babalikan din ni Boy ang mga insights, quotable quotes, at iba pang learnings mula sa episode sa K-Talk segment bago magtapos ang programa. Kwento niya, “May K Talk din where we synthesize the show, the things I learned, how much fun the audience had. Kasi the good thing about this platform is immediate ang reaction na nakukuha natin mula sa ating tagapanood.”

Magkakaroon din ng 15-minute pre-show kada episode kung kailan babatiin niya ang mga manonood at magbibigay ng special shout outs.
  
Inilunsad noong Oktubre lamang, ang “The Best Talk” ang isa sa most watched shows sa FYE channel, na nagtatampok sa iba’t ibang livestreams kasama ang Kapamilya streamers.
 
Makisaya sa masasayang usapan sa bagong season ng “The Best Talk,” na mapapanood sa  FYE Channel sa kumu simula sa Sabado (March 20), 9 pm at meron ding simulcast sa Cinema One Facebook page at YouTube channel. Mapapanood din ang replay ng programa sa Cinema One channel at TFC.
 
Mag-download na ng kumu app at sundan ang FYE Channel (fyechannel). Para sa updates, sundan ang ABS-CBN PR sa Facebook (www.facebook.com/abscbnpr), Twitter at Instagram (@abscbnpr) o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.
 

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 3 PHOTOS FROM THIS ARTICLE