News Releases

English | Tagalog

Kapamilya stars, susugod sa Kumu para sa “Big 4 Hours” digital event mamaya (Biyernes)

March 19, 2021 AT 10:17 AM

“Big 4 Hours” event brings Kapamilya stars on Kumu today (Fri)

Streaming live on Star Magic’s Kumu and Facebook accounts starting at 5 pm, the show features exclusive interviews, fun games, and surprise performances of various Kapamilya artists.

ABS-CBN at Kumu, sanib-pwersa sa paghahatid ng liwanag at ligaya

Mas lalo pang liliwanag sa Pinoy community platform na Kumu ngayong araw ng Biyernes (Mar 19) sa pagdagsa ng maraming Kapamilya stars para sa “Big 4 Hours with Kumu All Stars” digital event, na hudyat ng bagong pagtutulungan sa pagitan ng ABS-CBN at Kumu.

Mapapanood simula 5 pm sa Kumu at Facebook account ng Star Magic ang digital show tampok ang Big 4 at iba pang ex-housemates ng “Pinoy Big Brother Connect,” ang mga P-Pop group na BGYO, BINI, at MNL48, at marami pang mga bituin mula sa Star Magic, Star Hunt, Polaris (It’s Showtime talents), Star Music, at RISE Artists Studio.

Noong Lunes (Mar 15), inanunsyo ng ABS-CBN at Kumu ang kasunduan para sa paghahatid ng liwanag at ligaya ng mahigit 100 na Kapamilya stars sa Kumu.

Pareho nagpapasalamat sina ABS-CBN head of digital Jamie Lopez at ang Kumu sa muling pagtutulungan ng dalawang kumpanya na parehong may layuning magbigay ng magandang palabas at karanansan sa mga tao.

Ayon naman kay ABS-CBN head of entertainment production at Star Magic head Laurenti Dyogi, ang fans ang pinakapanalo sa kasunduang ito dahil mas marami na silang oportunidad na mapanood at “makasama” ang kanilang mga paboritong artista nang mas natural at personal tuwing nagsi-stream sila sa kanilang mga opisyal na Kumu accounts.  

Aniya, may mga artista na silang napapanood sa Kumu pero mas dadami pa ang aabangan na stars ng Kumunizens dahil sa bagong partnership na ito.

Lalahok sa isang ceremonial signing si Direk Lauren kasama ang president ng Kumu na si Rexy Josh Dorado sa pagtatapos ng “Big 4 Hours” event bukas.

Bago ito, nagsanib-pwersa na rin ang dalawang kumpanya sa paglunsad ng “PBB Connect” at sa pagbabalik ng sikat na game show na “Game KNB.”

Manood ng “Big 4 Hours with Kumu All Stars” sa @starmagicphils Kumu Account at sa

facebook.com/starmagicphils.  Para iba pang Kapamilya updates, i-follow ang @ABSCBNPR sa Facebook, Twitter, at Instagram o bumisita sa www.abs-cbn.com/newsroom.

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 4 PHOTOS FROM THIS ARTICLE