News Releases

English | Tagalog

Coco, maghihiganti sa pagkamatay ni Yassi sa "FPJ's Ang Probinsyano"

March 24, 2021 AT 09:47 AM

Coco fights for justice, seeks revenge vs Black Ops in "FPJ's Ang Probinsyano"

Now seen on TV5 nationwide and on WeTV, iflix

Bagama’t hindi pa rin tanggap ni Cardo (Coco Martin) ang pagkamatay ng asawa niyang si Alyana (Yassi Pressman), nakahanap na siya ng lakas ng loob para mabigyan ito ng hustisya sa pagsugod niya sa Black Ops ngayong linggo sa “FPJ’s Ang Probinsyano” sa Kapamilya Channel, A2Z, at TV5.

Hindi na kayang tiisin ni Cardo ang paninisi sa kanya nina Lito (Richard Gutierrez) at ng mga magulang ni Alyana kaya naman handa na siyang lumaban para maghiganti sa mga pumatay sa kanyang asawa.

Dala ang kanyang mga armas, mag-isang susugurin ni Cardo sina Lia (Jane De Leon) at Albert (Geoff Eigenmann) ng grupong Black Ops. Delikado man ang gagawin niya, desidido siyang harapin ang kanyang mga kalaban lalo na’t sinisiraan na siya ng mga ito para makakuha sila ng promosyon sa trabaho.

Samantala, habang inaalam pa ng Task Force Agila ang kinaroroonan ni Cardo, doble ingat na rin sila sa kanilang mga kilos lalo na’t namumuo na ang tensyon sa pagitan nila at ng mga tauhan ni Lito.

Makamit na kaya ni Cardo ang hustisya para kay Alyana? Hanggang kailan mananatili ang Task Force Agila sa teritoryo ni Lito?

Huwag palampasin ang maaaksyong eksena sa “FPJ’s Ang Probinsyano” gabi-gabi sa Kapamilya Channel, A2Z, TV5, CineMo, Kapamilya Online Live YouTube channel, ABS-CBN Entertainment Facebook page, iWantTFC, WeTV, at iflix. Para sa viewers sa labas ng Pilipinas, mapapanood ito sa The Filipino Channel sa cable at IPTV. 

Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, at Instagram o bisitahin ang  www.abs-cbn.com/newsroom.

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 4 PHOTOS FROM THIS ARTICLE