News Releases

English | Tagalog

"PopCinema" at "The Best Talk," may back-to-back pasabog tuwing Sabado

March 25, 2021 AT 02:33 PM

"PopCinema," "The Best Talk" go back to back every Saturday

Catch "PopCinema" and "The Best Talk" every Saturday night on kumu @fyechannel!

Showbiz talk shows, nagbabalik!


Ibinabalik ng FYE channel ang showbiz talk show weekend habit dahil back-to-back ang mga patok nitong celebrity news programs na “PopCinema” at “The Best Talk” tuwing Sabado ng gabi sa kumu app.

Makakausap nina Bianca Gonzalez at MJ Felipe ang dating “Pinoy Big Brother: Connect” housemates na sina Chico Alicaya, Amanda Zamora, Ralph Malibunas, at Justin Dizon ngayong Sabado (March 27), 7 PM.

Bukod sa pagbibida sa mga bisita nito sa pamamagitan ng kwelang palaro, hatid din ng “PopCinema” ang weekly rundown ng trending celebrity happenings at entertainment news sa livestream nito.

Samantala, makikipagkwentuhan naman ang King of Talk na si Boy Abunda sa pinakabagong P-pop boy group na BGYO sa bagong episode ng “The Best Talk,” 9 PM. Magiging bahagi ang BGYO members na sina Akira, Gelo, JL, Mikki, at Nate ng Kumustahan with Tito Boy segment at sasagutin ang mga tanong na tiyak na magpapakilig sa kanilang fans.

Handog ng “The Best Talk” ang bagong segments para sa kumunizens ngayong nasa season 2 na ito. Bukod sa kanyang eksklusibong panayam sa celebrity guests, makakausap rin ng award-winning host ang sumisikat na streamers na nagpapasaya sa kumu at maghahatid din siya ng commentaries at insights tungkol sa mga pinakamaiinit na isyu sa industriya.

Magdownload na ng kumu app at sundan ang FYE channel @fyechannel. Meron din itong simulcast sa Cinema One Facebook page at YouTube channel.

Para sa updates, sundan ang ABS-CBN PR sa Facebook (www.facebook.com/abscbnpr), Twitter at Instagram (@abscbnpr) o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.