News Releases

English | Tagalog

Zanjoe, wanted ng mga pulis sa "Walang Hanggang Paalam"

March 31, 2021 AT 04:57 PM

Manhunt for Zanjoe begins in "Walang Hanggang Paalam"

Airing weeknights on Kapamilya Channel, A2Z, and TV5

Isa-isa nang mabubunyag ang mga krimen ni Anton (Zanjoe Marudo) ngayong pinaghahanap na siya ng mga pulis sa umiigting na mga eksena sa huling tatlong linggo ng “Walang Hanggang Paalam” sa Kapamilya Channel, A2Z, at TV5.

Nagtatago na mula sa mga otoridad si Anton matapos niyang sugurin at tutukan ng baril ang ex-fiancée niyang si Celine (Angelica Panganiban) dahil nalaman niyang mahal pa rin nito si Emman (Paulo Avelino). Kahit desidido si Anton na pahirapan ang buhay ni Celine, limitado na lang ang kanyang mga hakbang dahil pinaghahanap na siya ng mga pulis.

Habang pinag-iinitan siya ng batas, sinusubukan namang kumbinsihin ni Leo (Tonton Gutierrez) si Amelia (Cherry Pie Picache) na isuplong ang kanyang kapatid upang hindi siya madawit sa iligal na negosyo nilang organ trafficking. Mas delikado na rin ang posisyon ng magkapatid matapos makumpirma ni Emman ang pagkadawit nila sa sindikato. 

Matakasan pa kaya ni Anton ang kanyang mga krimen? Ilalaglag na ba ni Amelia ang sarili niyang kapatid?

Panoorin ang “Against All Odds” finale ng “Walang Hanggang Paalam” gabi-gabi sa Kapamilya Channel, A2Z, TV5, Kapamilya Online Live YouTube channel, ABS-CBN Entertainment Facebook page, at iWantTFC. Para sa viewers sa labas ng Pilipinas, mapapanood ito sa The Filipino Channel sa cable at IPTV. 

Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, at Instagram o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.