News Releases

English | Tagalog

VJ Ai, sumabak sa virtual dating game

April 06, 2021 AT 11:35 AM

New dating game show premieres on MYX this April 9

Catch the first episode of “MYX and Match” this Friday (April 9), 8 pm on MYX, available on SKYcable channel 23 and GSAT channel 35.

“MYX and Match,” magpapakilig na sa MYX simula ngayong Biyernes

Nagsimula na ang virtual dating game show na “MYX and Match” at matutunghayan si MYX VJ Ai dela Cruz bilang unang searcher sa premiere episode ng programa sa MYX ngayong Biyernes (April 9), 8 pm.

“Andito ang ’MYX and Match’ para mag-spread ng love at mag-bring pa ng love sa mundo,” ani Dora, ang host ng game show na unang nasilip sa kumu.

Para sa kanya, kaiba ang game dahil sa pagiging ‘inclusive’ nito na bukas sa mga naghahanap ng pag-ibig anumang gender o gender expression meron sila.

Ang “MYX Pop Quiz” host nga na si VJ Ai na isang dekada nang walang love life ang unang sumabak sa programa, na sinubukang maghanap ng kanyang ‘match’ sa tatlong nakatagong searchees sa pamamagitan ng iba’t ibang games.

Hanap ni Ai ang isang tapat at good conversationalist na lalaki na natagpuan niya kay Spartan Guy o Jake Seneres, isang events host, commercial model, at daily kumu streamer na siyang naging winning searchee.

“Feeling ko talaga ang pinaka-compatible with my personality is Jake,” kwento ni Ai sa kanilang naging virtual getting-to-know date.   

Ayon naman kay Jake, hindi niya inaasahan na siya ang magwawagi. “All my answers were sincere and I didn’t research anything. I’m surprised ako ang napili.”

Panoorin ang unang episode ng “MYX and Match” ngayong Biyernes (April 9), 8 pm sa MYX, na mapapanood sa SKYcable channel 23 at GSAT channel 35.

Sundan naman ang pinaka-latest happenings sa “MYX and Match” sa kumu @myxph. Para sa iba pang detalye, sundan ang MYX Philippines sa Facebook (www.facebook.com/MYX.Philippines), Twitter (@MYXphilippines), atInstagram (@myxph).