News Releases

English | Tagalog

Jerry Yan, matindi pa rin magpakilig sa "Count Your Lucky Stars"

April 07, 2021 AT 04:40 PM

At 44, Jerry Yan still makes hearts flutter in "Count Your Lucky Stars"

Pinoy Asianovela fans are still feeling ‘kilig’ over the 44-year old Jerry Yan as they watch his comeback TV series “Count Your Lucky Stars” (CYLS) on Kapamilya Channel, A2Z, and TV5.

Maraming Pinoy fans ng Asianovelas ang kinikilig pa rin kay Jerry Yan sa kanyang comeback TV series na “Count Your Lucky Stars” (CYLS) na napapanood sa Kapamilya Channel, A2Z, at TV5.

Ayon sa mga tagasubaybay ng bagong serye ni Jerry, tila ‘walang kupas’ ang aktor na ngayon ay 44 taong gulang na. 

“Sobrang nakakakilig si Jerry Yan. Walang kupas,” ani ng YouTube user na “Love & Life Vlogs,” na nanonood ng episode ng CLYS sa Kapamilya Online Live sa YouTube, kung saan pwedeng ulit-ulitin ng mga nasa Pilipinas ang pinakabagong episode sa loob ng pitong araw pagkatapos ito unang i-stream.  

Sambit naman ni YouTube user Alynn Del Rosario, “Luh! Grabe! Tila ‘di tumanda si Jerry Yan.”

Hirit pa ng isang viewer, bagay daw ang role ni Calvin Lu, isang tanyag ngunit supladong fashion designer, kay Jerry. Matatandaang sumikat si Jerry Yan bilang ang supladong estudyante na si Dao Ming Si sa hit Asian series noon na “Meteor Garden.” 

“Bagay talaga kay Jerry Yan ang role na suplado. Nanonood ako nito [CYLS]. Parang Meteor Garden ang pinapanood ko,” comment ni Saada Omar.

Samantala, patok din sa manonood ang tambalang Jerry Yan at Shen Yue, ang Shan Cai ng bagong henerasyon. Ginagampanan ni Shen si Andi Tong, isa ring fashion designer na tila sinusundan ng malas. 

“Tanggal ang pagod ko kapag napapanood ko ‘to. Sobrang ganda. Nakakakilig talaga. Jerry Yan ang gwapo mo talaga,” comment ng isang P & L Channel.

Sabi naman ng iba, “‘di nakakasawa ulit-ulitin” at “nakakakilig ang JerYue.” May isa namang viewer na nagpasalamat sa ABS-CBN dahil wala raw ang palabas sa cable provider niya.

Unang pinalabas ang “Count Your Lucky Stars” sa iWantTFC noong Pebrero at para mas maraming Pilipino pa ang makapanood, pinalalabas na rin ito ng ABS-CBN sa iba’t ibang platforms ma pa online, cable, at free TV. 

Sa mga nakaraang linggo, napanood ng viewers kung paano nagkrus ang landas nina Calvin at Andi sa CHIC magazine at paano tila nagkapalit ang kanilang kapalaran dahil sa isang aksidenteng halik. Sa episode na ipinalabas noong Lunes (April 5), tila gumaganda na ang takbo ng kapalaran ni Andi (Shen Yue) dahil head designer na siya ng isang sikat na kumpanya. Paano kaya makakatulong kay Andi si Calvin (Jerry Yan)? Magtagal kaya ang swerte ni Andi?

Abangan ‘yan sa “Count Your Lucky Stars” tuwing Lunes hanggang Biyernes, 10 pm  sa Kapamilya Channel (cable), Kapamilya Online Live (Facebook at YouTube), iWantTFC (online), A2Z (free TV), at TV5 (free TV). Para sa ibang balita, i-follow ang @ABSCBNPR sa Facebook, Twitter, at Instagram, o pumunta sa abs-cbn.com/newsroom.    

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 5 PHOTOS FROM THIS ARTICLE