News Releases

English | Tagalog

Sunshine at Jake, excited nang gawin ang "Marry me, Marry You" ng ABS-CBN

May 01, 2021 AT 04:29 PM

Pasasalamat at excitement ang parehong nararamdaman ng bagong Kapamilya stars na sina Sunshine Dizon at Jake Ejercito para sa “Marry Me, Marry You,” ang kauna-unahang nila sa ABS-CBN na magsisimula nang mag-lock-in taping sa Mayo.

 

Sa unang media conference niya kahapon (Abril 30) bilang isang Kapamilya, ibinunyag ni Sunshine na naramdaman niyang “meant to be” ang pag-alok sa kanyang ng role sa naturang serye.

 

“I’ve always asked the Lord to plant me where I will bloom. In all the seasons of my life, I’ve trusted His will. I’m just grateful and excited that I am given this opportunity to be working with Kapamilya naman ngayon. When my manager said there’s an offer from Dreamscape, from sir Deo Endrinal, I just knew in my heart that it was meant to be. In this season in my life, in my career, I needed to do this,” pahayag ni Sunshine.

 

Sabik na rin daw ang award-winning actress na makasama sa “Marry Me, Marry You” ang ilan sa mga hinahangaan niyang kasamahan sa industriya, kabilang na sina Vina Morales, Cherry Pie Picache, at direktor na si Dwein Ruedas Baltazar. Pagbibidahan naman ito ng bagong team-up nina Paulo Avelino at Janine Gutierrez.

 

“Nae-excite ako kay Direk Dwein, I’m a big fan. The environment, these are actors that I look up to. For my career, it’s coming to a full circle na maka-experience naman ako ng mga pinapanood ko lang noon, makakasama ko na ngayon,” aniya.

 

Sa hiwalay na media conference naman, ipinahayag ni Jake na matagal na niyang pinaghahandaan ang kauna-unahang teleserye niya kung saan makaka-love triangle niya ang mga karakter nina Paulo at Janine.

 

“Until now I’m still overwhelmed to be part of the show and to be amongst these brilliant talented actors. Ever since, inaaral ko na ang script namin. I just wanna get into taping. Noong nakita ko ang list ng mga makakasama sa show, parang na-check na ang lahat ng nasa checklist ko. It’s a mix of very talented, brilliant actors and actresses, veterans, and newbies like me,” aniya.

 

Nagpatikim din si Jake ng mga dapat abangan ng viewers sa serye. Aniya, Cedric daw ang pangalan ng karakter niya na kababata at kanang kamay ni Paulo.

 

“Maganda siya, it’s what viewers need now. Hind siya typical drama, it’s lighter than usual. Maganda ang time na ito na maipalabas at mai-offer natin ito sa viewers ngayon,” kwento ni Jake.

 

Malapit nang mapanood ang “Marry Me, Marry You” sa ilalim ng produksyon ng Dreamscape Entertainment at direksyon nina Dwein Ruedas Baltazar at Jojo Saguin. Star-studded din ang cast nito na kinabibilangan nina Cherry Pie, Vina, Teresa Loyzaga, Lito Pimentel, Joko Diaz, Jett Pangan, at Edu Manzano.