News Releases

English | Tagalog

Live ang back-to-back celebrations at world class performances sa 'ASAP Natin 'To'

May 15, 2021 AT 08:40 AM

Grand back-to-back celebrations and performances bring feel good vibes on 'ASAP Natin 'To' this Sunday

Don’t miss the feel-good vibes from the country's longest-running musical variety show, "ASAP Natin 'To," live this Sunday, 12 NN

Kathryn Bernardo may mainit na sorpresa

Back-to-back ang saya dahil sa double celebration treat nina Maymay Entrata at Kim Chiu, at marami pang iba sa feel-good episode ng "ASAP Natin 'To" live ngayong Linggo (May 16) sa Kapamilya Channel, A2Z, and TV5.

Damhin ang saya sa launch ng dance video ng "Feel Good Pilipinas" kasama sina KZ, P-Pop sensation BGYO, at ang paborito ninyong ASAP idols habang nagbabaga ang sizzling surprise na dala ni Kathryn Bernardo.

Patuloy pa rin ang world-class P-Pop concert experience sa ASAP stage dahil sa new single pasabog ng Billboard-nominated boy band, SB19.
  
Kilig treat ang naghiintay sa manonood sa pagtatambal on-stage ng "He's Into Her" stars na sina Donny Pangilinan at Belle Mariano at patuloy na ipagdiwang ang global Pinoy pride kasama ang Asia's Soul Supreme, KZ.

Maki-awit naman sa special hugot collab nina Martin Nievera, Morisette, at Gary Valenciano.

Huwag palampasin ang ultimate showdown of champions kasama sina Asia's Songbird Regine Velasquez, new generation of singing champions na sina Zephanie, Elha Nympha, Elaine Duran, at Janine Berdin, at ang TV5 "Born to Be a Star" winner na si Jehramae Trangia. 

Ma-inspire din sa mga kwento at kantahan nina Gary, Martin, Morisette, Jed Madela, Klarisse de Guzman, Nyoy Volante, CJ Navato, Sheena, Jason Dy, at Erik Santos.   

Walang limit ang feel-good celebrations sa longest-running musical variety show sa bansa, ang "ASAP Natin 'To," live na live ngayong Linggo, 12 ng tanghali sa local TV sa Kapamilya Channel, A2Z, at TV5, online sa Kapamilya Online Live at iWantTFC, at worldwide via TFC. 

Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, at Instagram o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.