News Releases

English | Tagalog

Enzo at Paulo, bagong tutugis kay Coco sa "FPJ's Ang Probinsyano"

May 18, 2021 AT 12:57 PM

Enzo and Paulo join Black Ops to capture Coco in "FPJ's Ang Probinsyano"

Aside from Enzo and Paulo, actors Cristina Gonzales, Simon Ibarra, William Lorenzo, Christian Vasquez, and Aya Fernandez have also joined the series’ cast

Lalong maiipit si Cardo (Coco Martin) sa panganib dahil madadagdagan ang mga miyembro ng grupong Black Ops na maghahanap sa kanya sa pagpasok nina Enzo Pineda at Paulo Angeles sa “FPJ’s Ang Probinsyano,” na napapanood gabi-gabi sa Kapamilya Channel, A2Z, at TV5. 

Handa nang makipagbakbakan sina Alvin Cuevas (Enzo) at Jim De Castro (Paulo) upang siguraduhing matutunton nila ang kinaroroonan ni Cardo, na hanggang ngayon ay patuloy pa ring nagtatago mula sa mga kalaban habang bihag si Lia (Jane De Leon).

Delikado na rin ang lagay ng mga kasamahan ni Cardo sa Task Force Agila sa kanilang hideout matapos magdesisyon sina Teddy (Joel Torre) at Virgie (Shamaine Buencamino) na baliktarin sila at isuplong ang kinaroroonan nila sa awtoridad.

Mahanap kaya ng Task Force Agila si Cardo bago siya mapasakamay ng kalaban?

Bukod kina Enzo at Paulo, ipinakilala na rin ang mga bagong miyembro ng cast na sina Cristina Gonzales, Simon Ibarra, William Lorenzo, Christian Vasquez, at Aya Fernandez.

Huwag palampasin ang mga eksena sa “FPJ’s Ang Probinsyano” gabi-gabi sa Kapamilya Channel, A2Z, TV5, CineMo, Kapamilya Online Live sa YouTube channel at Facebook page ng ABS-CBN Entertainment, iWantTFC, WeTV, at iflix. Para sa viewers sa labas ng Pilipinas, mapapanood ito sa The Filipino Channel sa cable at IPTV.

Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, at Instagram o bisitahin ang  www.abs-cbn.com/newsroom.