News Releases

English | Tagalog

Jason, may kantang pang-monthsary ng mga magkarelasyon

May 18, 2021 AT 02:04 PM

Jason shows off smooth vocals in neo-soul single “Tayong Dalawa”

Composed and arranged by Old School Records label head Kiko “KIKX” Salazar, the release of the neo-soul track has been a long time coming, written in 2007 when the genre was still in full bloom.

“Tayong Dalawa” maririnig na mula sa Old School Records
 
Tagos sa puso ang pagkanta ng “The Voice of the Philippines” season 2 winner na si Jason Dy sa bago niyang single na “Tayong Dalawa” na mapapakinggan na simula sa Biyernes (May 21).
 
Isinulat at in-arrange ng Old School Records label head na si Kiko “KIKX” Salazar ang kanta noon pang taong 2007 pero nitong 2018 lang niya ito binuhay muli at naisip niyang babagay ito kay Jason, na nagandahan agad sa awitin pagkarinig pa lang sa demo nito.
 
“Naaalala ko dati 'yung demo pa lang, sabi ko 'Hala ang ganda nito.' Medyo natagalan lang, nag-evolve na nang nag-evolve tapos ngayon full circle na,” ani Jason.
 
Kwento naman ni KIKX, pakiramdam niya ay ito na ang ‘best time’ para ilabas ang ‘monthsary song’ sa ilalim ng Old School Records, na handog ang mga nostalgic na awitin pero may makabagong spin.
 
“Sana mag-enjoy kayo habang binabalik tayo sa swabeng tunog ng isa sa pinakamagaling na vocalists sa bansa natin ngayon,” sabi ni KIKX.
 
I-pre-save na ang “Tayong Dalawa” ni Jason bago ito i-release sa iba’t ibang digital music platforms sa Biyernes (May 21)! Para sa iba pang detalye, sundan ang Old School Records sa FacebookTwitter, at Instagram.

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 4 PHOTOS FROM THIS ARTICLE