News Releases

English | Tagalog

Libreng kilig sa 12 Star Cinema movies sa YouTube Super Stream

May 26, 2021 AT 01:58 PM

Swoon over Star Cinema's 12 free romance movies on YouTube Super Stream

Aside from movies, you can also enjoy watching full episodes of teleseryes and DonBelle videos for free!

Aapaw ang kilig para sa mga mahilig manood ng Pinoy movies dahil isang dosenang pelikula ang ipinapalabas nang libre ng ABS-CBN at Star Cinema sa YouTube Super Stream, kabilang na ang “Love You to the Stars and Back” ng Joshlia.

 

Magpapaiyak sina Julia Barretto at Joshua Garcia sa “Love You to the Stars and Back,” kung saan magkakakilala ang dalawa sa isang road trip na babago sa kanilang mga buhay.

 

Balikan din ang campus romance nina Claudine Barretto at Rico Yan sa “Dahil Mahal na Mahal Kita” at ang sari-saring problemang mag-asawa na lalagpasan nina Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo sa “Kasal, Kasali, Kasalo.” Langit at lupa naman ang hahadlang sa pagmamahalan nina Sarah Geronimo at Gerald Anderson sa “Catch Me… I'm In Love,” Anne Curtis at Sam Milby sa “Babe, I Love You,” at Erich Gonzales at Mario Maurer sa “Suddenly It’s Magic.”

 

Mapapanood din ang iconic movies na pinagbidahan ni Jolina Magdangal gaya ng “Hey Babe” kasama si Marvin Agustin at “Tunay na Tunay: Gets Mo? Gets Ko!” kung saan katambal niya si Robin Padilla. Magkababatang magkakaibigan sina Piolo Pascual at Angel Locsin sa “Love Me Again,” habang maiipit naman si Piolo sa pagitan nina Dawn Zulueta at Coleen Garcia sa “Love Me Tomorrow.”

 

Bukod sa love stories, hagalpakan sa kakatawa naman ang hatid ng “This Guys In Love with U Mare” nina Vice Ganda, Toni Gonzaga, at Luis Manzano, pati na “Supahpapalicious” ni Vhong Navarro.

 

Bago naman magsimula ang ABS-CBN original series na “He’s Into Her,” lalo pang makikilala ng fans ang next big love team nina Donny Pangilinan at Belle Mariano sa “Reel Life” at Contability Test” nila sa Star Cinema YouTube channel.

 

Para naman sa mga naghahanap ng series na masusubaybayan, available ang “Sana Dalawa ang Puso,” “Maging Sino Ka Man” Book 1 at 2, “Angelito: Batang Ama,” “Walang Hanggan,” “The Legal Wife,” at “Crazy for You.”

 

Samantala, musikahang hahagod sa puso ang hatid nina Sue Ramirez, Maris Racal, Loisa Andalio, at Krystel Fulgar sa One Music digital concert nilang “Double Hearts” sa YouTube channel ng Star Music.

 

Mae-enjoy worldwide ang maraming libreng movies, Kapamilya classics, digital concerts, teleserye highlights, movie supercuts, musical events, music videos, at online shows sa YouTube channels ng ABS-CBN EntertainmentStar CinemaCinema OneJeepney TVStar MusicBlack SheepBGYO OfficialRise Artists StudioSinehubYey ChannelKnowledge Channel, at ABS-CBN News.

 

Panoorin ang mga ito nang libre sa YouTube Super Stream at mag-subscribe na ngayon sa YouTube channels ng ABS-CBN.