News Releases

English | Tagalog

“Kumu’s Greatest Show” ng Jeepney TV, naghahanap ng magpapasiklab na mga netizen

May 31, 2021 AT 10:52 AM

It’s your time to shine in Jeepney TV’s “Kumu’s Greatest Show”

For more details, visit bit.ly/KumusGreatestShow.

Para sa pinakabagong show ng Jeepney TV

Panahon na para magpasikat at ibida ang talento sa pinakabagong digital campaign ng Jeepney TV na “Kumu’s Greatest Show (KGS)."

May pagkakataon ang mga mapapasama sa kompetisyon na maging kauna-unahang KGS grand champion na mananalo ng P100,000 cash prize at mapapanood sa iba’t ibang Kapamilya shows at FYE Channel livestreams sa Pinoy community app na kumu.

Bukas ang campaign sa lahat ng 18 years old pataas, kahit ano pang nationality o nakatira sa ibang bansa. Kailangan lang mag-public livestream gamit ang kanilang kumu account at mangolekta ng ‘Play Pa More!’ at ‘1Minute Pa More!’ virtual gifts mula sa mga manonood nila.

Matatapos ang campaign period 10 PM (Manila Time) sa June 18, kung saan ang top 16 users sa leaderboard ay magiging opisyal na contenders sa ilulunsad pa lang na Jeepney TV show sa kumu.

Ipamalas na ang talento at sumali sa “Kumu’s Greatest Show." Mag-download na ng kumu app. Para sa iba pang detalye, bisitahin ang bit.ly/KumusGreatestShow, sundan ang Jeepney TV sa FacebookTwitterInstagram, at TikTok, at mag-subscribe sa YouTube channel nito.

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 3 PHOTOS FROM THIS ARTICLE