News Releases

English | Tagalog

Mylene, iimbestigahan ang himala nina Andrea at Francine

May 05, 2021 AT 11:07 AM

Mylene uncovers truth behind miracle in "Huwag Kang Mangamba"

Will Mira and Joy be able to uncover the truth about their mothers? How will Eva affect the media frenzy surrounding the miracles in Hermoso?

Isang bagong karakter ang makikiusyoso sa ginawang himala nina Mira (Andrea Brillantes) at Joy (Francine Diaz) sa bayan ng Hermoso sa pagpasok ni Mylene Dizon bilang isang mamahayag ngayong linggo sa Kapamilya teleseryeng “Huwag Kang Mangamba,” na napapanood gabi-gabi sa Kapamilya Channel, A2Z, at TV5.

Pagkatapos kumalat ang balita tungkol sa milagrong nagpagaling sa isang pulis, naging determinado si Eva Marquez (Mylene) na gawin ang sariling pananaliksik upang malaman ang totoong kwento sa likod nito. Hangad din niyang makausad bilang investigate journalist kaya naisip niyang magandang pagkakataon ito para sa kanyang karera. 

Habang pinagpipiyestahan pa ng mga tao ang nangyaring himala, abala naman sina Mira at Joy sa paghahanap ng kani-kanilang mga ina at patuloy na nagdarasal kay Bro upang gabayan sila sa tamang landas.

Kahit wala pang nakukuhang impormasyon tungkol sa ina, may tiwala si Mira na makakasama ulit niya ito lalo na’t nangako si police chief Fidel (Allan Paule) na tulungan siya. Umiigting naman ang mga katanungan ni Joy tungkol sa kanyang ina habang mas marami siyang nadidiskubre tungkol sa kanyang pagkabata.

Makuha na kaya nina Mira at Joy ang kasagutan tungkol sa kanilang mga ina? Ano ang matutuklasan ni Eva sa himala?

Kumuha ng pag-asa at inspirasyon sa panonood ng “Huwag Kang Mangamba” gabi-gabi sa Kapamilya Channel, A2Z, TV5, Kapamilya Online Live, iWantTFC, WeTV, at iflix. Para sa viewers sa labas ng Pilipinas, mapapanood ito sa The Filipino Channel sa cable at IPTV.

Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, at Instagram o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 5 PHOTOS FROM THIS ARTICLE