News Releases

English | Tagalog

Rabiya, ipapakita ang kanyang 'hala bira' walk sa "Miss U" pageant live sa A2Z

May 05, 2021 AT 11:25 AM

Rabiya ready to wow with 'hala bira' walk in "Miss U" pageant live on A2Z

Miss Universe Philippines 2020 Rabiya Mateo is ready to strut her stuff with her signature ‘hala bira’ walk in the upcoming “69th Miss Universe Competition” that ABS-CBN will bring to viewers in the country live via A2Z on May 17, 8 am.

Iboto si Rabiya sa Miss U website!

 
Handa nang rumampa si Miss Universe Philippines 2020 Rabiya Mateo sa entablado ng Miss Universe para gulatin ang lahat sa kanyang signature ‘hala bira’ walk sa darating na “69th Miss Universe Competition” na ihahatid ng ABS-CBN nang live sa A2Z sa Mayo 17, 8 am.
 
Kwento ng 24-anyos na Ilongga sa panayam kay Dyan Castillejo sa “TV Patrol,” ‘going strong’ ang kanyang ‘hala bira’ walk dahil subsob siya sa training sa ilalim ni Miss Universe Philippines creative director Jonas Gaffud.
 
Pina-praktis din daw araw-araw ni Rabiya ang kanyang mabigat ngunit magagandang gowns para sa pageant night. Sinasanay na rin ni Rabiya ang sarili na makuha ang Filipina hair and makeup look niya sa kompetisyon.
 
Puspusan din ang paghahasa ni Rabiya para sa Q&A portion na isa sa mga inaabangang segment ng kompetisyon.
 
“Now I really need to study the social issues. Q&A ang favorite segment ko sa competition. Eh, I like to study. I love to learn. So sana makapasok sa top five para magamit ang mga napagaralan,” ani ng pambato ng Pilipinas.
 
Habang tutok sa paghahanda at preparasyon, hiling naman ni Rabiya mula sa kanyang mga kababayan ang kanilang suporta upang makapasok siya sa Top 21 sa pamamagitan ng pagboto sa kanya sa www.missuniverse.com/vote.
 
“Please support my journey to the crown by voting for me online,” aniya.
 
Suportahan ang pambato ng Pilipinas at saksihan ang koronasyon ng bagong Miss Universe sa paghahatid ng ABS-CBN sa “69th Miss Universe Competition” LIVE mula sa Florida, USA sa A2Z sa ika-17 ng Mayo, 8 am. May replay din ito sa A2Z sa 10:30 ng gabi.
 
Mapapanood din ang replays nito sa cable via Kapamilya Channel at online via iWantTFC sa Mayo 23, 9:45 pm. May replays din ang Miss Universe sa Metro Channel sa Mayo 24 (12 nn at 10 pm), Mayo 26 (5 pm), at Mayo 29 (8:30 am).
 
 Para sa updates, i-follow ang @ABSCBNPR sa Facebook, Twitter, at Instagram, o pumunta sa www.abs-cbn.com/newsroom.
 

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 5 PHOTOS FROM THIS ARTICLE