News Releases

English | Tagalog

Ben&Ben magpapasiklab sa virtual concert

May 07, 2021 AT 11:46 AM

MYX and kumu Live Events present Ben&Ben virtual concert

Ben&Ben’s virtual offering will be exclusively seen via the Pinoy community app’s desktop platform kumu.live.

MYX at kumu Live Events sanib-pwersa para sa inaabangang show

May bagong aabangan ang ‘Liwanag’ fandom ng most streamed Filipino artist sa Spotify noong 2020 na Ben&Ben hatid ng MYX Philippines at kumu Live Events.

Bibinyagan nina Miguel, Paolo, Pat, Agnes, Poch, Keifer, Andrew, Jam, at Toni ang virtual stage ng kumu Live Events sa kaabang-abang nilang concert na gaganapin sa May 22 (Sabado).

Siguradong mapapasabay sa pagkanta ang mga manonood kapag inawit ng folk pop/pop rock band ang mga patok nilang kanta gaya ng "Leaves," "Maybe the Night," "Pagtingin," "Kathang Isip,” “Lifetime,” at pinakabagong single na “Upuan.”

Sa pagsasanib-pwersa ng nangungunang music channel sa bansa na MYX at kakalunsad lang na kumu Live Events, eksklusibong mapapanood ang virtual concert sa desktop platform ng Pinoy community app na kumu.live.

Pwede nang bumili ng ticket sa event sa bit.ly/32H1ciH, kung saan P499 ang general admission ticket habang P999 naman ang VIP ticket.

May access na sa live stream ng main show ang mga bibili ng gen ad ticket habang may bonus naman na virtual meet-and-greet sa banda pagkatapos ng concert ang mga bibili ng VIP ticket.

‘Wag palampasin ang Ben&Ben virtual concert hatid ng MYX at kumu Live Events 7 PM ngayong May 22 (Sabado)! Para sa iba pang detalye, sundan ang MYX Philippines sa Facebook (www.facebook.com/MYX.Philippines), Twitter (@MYXphilippines), at Instagram (@myxph).

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 4 PHOTOS FROM THIS ARTICLE