News Releases

English | Tagalog

Halikan nina Jerry Yan at Shen Yue sa "Count Your Lucky Stars," kinagiliwan ng netizens

May 07, 2021 AT 06:44 PM

Jerry Yan, mala-hero kung umasta kay Shen Yue 
 

Walang humpay ang kilig ng CYLS fans sa muling pagtatagpo ng mga labi nina Jerry Yan (Calvin Lu) at Shen Yue (Andi) na ipinalabas ngayong linggo sa “Count Your Lucky Stars” na  napapapanood sa Kapamilya Channel, A2Z, at TV5.  

Matapos mag-away, hinalikan ni Andi si Calvin sa kagustuhang maibalik ang swerte sa lalaki at para tuluyan nang mawala ang kanilang koneksyon. 

Ani ng YouTube users na sina Geraldine Lucas at Chiquie Manguni, nakakakilig ang episode na pinanood nila sa Kapamilya Online Live.  

Samantala, Prince charming na hero ang dating ngayon ni Calvin Lu (Jerry Yan) sa buhay ni Andi (Shen Yue). Matapos ang matindi nilang away, muling bumabalik si Calvin sa buhay ni Andi upang sikretong tapusin ang dine-desenyong gown ng baguhang designer na biglang nilagnat bago ang kompetisyon. 

Pero mukhang sinusundan na muli ng malas si Andi dahil kahit natapos ang kanyang gown, aksidenteng nasira naman ito habang hinahatid sa warehouse. Mistulang bayani ulit ni Andi si Calvin dahil tinulungan niya ang dalaga na maayos ang gown nito para sa paligsahan.  

Ano pa kayang mga nakakakilig na eksena ang dapat tutukan? Mamalasin ba muli si Andi?  Abangan ‘yan sa “Count Your Lucky Stars” tuwing Lunes hanggang Biyernes, 10 pm  sa Kapamilya Channel (cable), Kapamilya Online Live (Facebook at YouTube), A2Z (free TV), at TV5 (free TV). Para sa ibang balita, i-follow ang @ABSCBNPR sa Facebook, Twitter, at Instagram, o pumunta sa abs-cbn.com/newsroom.      

  

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 4 PHOTOS FROM THIS ARTICLE