News Releases

English | Tagalog

Pinakahihintay na ‘moment’ ni Jayda, magaganap na ngayong June 26 & 27

June 11, 2021 AT 11:06 AM

Jayda in full bloom for her first major concert this June 26 & 27

Fellow Kapamilya artist KD Estrada and her mom, OPM icon Jessa Zaragoza, will be joining her as special guests.

Handang-handa na ang music royalty na si Jayda para ibida ang natatanging talento sa pag-perform sa nalalapit na “Jayda in Concert” event, na magaganap na sa June 26 (Sabado), 8 pm at may re-run sa June 27 (Linggo), 10 am sa KTX.ph, iWanTTFC, at TFC IPTV.
 
“Abangan ang different side ko and see me hopefully in my full element,” imbitasyon ni Jayda na sinabi ring marami sa song numbers niya ay tila ikagugulat ng mga manonood. “Prepare to be surprised!”
 
Nito lamang June 1 nang ipagdiwang ni Jayda ang kanyang 18th birthday at tila isang malaking regalo ang nasabing concert dahil na rin sa ito na nga aniya ang pinaka-inaabangan niyang moment sa buhay niya. “Ito talaga ang dream ko since I was young to headline my own show.”
 
Makakasama niya rito ang Kapamilya artist na si KD Estrada at ang kanyang ina, ang OPM icon na si Jessa Zaragoza, bilang special guests.
 
Kilala si Jayda bilang very involved sa kanyang mga proyekto bilang songwriter at nitong nakaraan ay bilang music video director at producer na rin. Ibinahagi niya na nagtutulungan sila ng director na si Frank Mamaril para matupad ang vision nila para sa concert na hatid ng ABS-CBN Events at Phenomenal Entertainment at co-presented ng Smart Prepaid. Kasama rin dito si Iean Iñigo bilang musical director.
 
Isa na nga si Jayda sa maituturing na rising superstars ngayon. Bukod sa nalalapit na concert, kakalunsad niya lang ng patok na awiting “M.U. (Malabong Usapan)” mula sa Star Music. Inilabas niya rin ang sariling komposisyon na “Paano Kung Naging Tayo” noong Pebrero.
 
Mabibili ang tickets para sa “Jayda in Concert” sa KTX.ph, iWantTFC, and TFC IPTV sa halagang P499. May handog ding VIP tickets ang KTX na bukod sa concert ay magbibigay access din sa VIP party sa Zoom kasama si Jayda sa halagang P799.
 
Makisaya na sa inaabangang “Jayda in Concert” live sa June 26 (Sabado), 8 pm at ang re-run nito sa June 27 (Sunday), 10 am sa KTX, iWantTFC, at TFC IPTV. #JaydaInConcert

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 4 PHOTOS FROM THIS ARTICLE