News Releases

English | Tagalog

Mahigit 40 na artista, pipirma sa ABS-CBN sa Star Magic Black Pen Day ngayong Sabado

June 16, 2021 AT 05:30 PM

Over 40 artists to sign with ABS-CBN in Star Magic Black Pen Day on June 19

The historic contract signing event, which will feature the future and current idols in the land, will begin at 4 pm and will be streamed online on the Star Magic Facebook page and YouTube channel, the ABS-CBN Entertainment and TFC Facebook pages, iWantTFC, and TFC IPTV.

Panoorin online sa Star Magic Facebook at YouTube channel

Mahigit sa 40 na bituin ang pipirma sa ABS-CBN sa gaganaping Star Magic Black Pen Day ngayong Sabado (Hunyo 19) sa pagpapatuloy ng adhikain ng kompanya na linangin at ibida ang talento ng Pilipino, at suportahan ang industriya ng showbiz sa bansa.

Mapapanood ang Star Magic Black Pen Day simula 4 pm sa Star Magic Facebook page at YouTube channel, ABS-CBN Entertainment at TFC Facebook pages, iWantTFC, at TFC IPTV. Kasama sa makasaysayang contract signing event na ito ang mga idolo ng hinaharap at kasalukuyang panahon.

Kabilang diyan ang mga respetadong aktor na sina John Arcilla, Sandino Martin, at Marc Solis, at ang singer-actress na si Angeline Quinto, at ang mga bagong mukha na sina Kaila Estrada, Arabella Davao, Mary Joy Apostol, Zabel Lamberth, Rans Rifol, Vance Larena, Maureen Wrob, Paolo Gumabao, Luis Vera-Perez, Sela, Migo Manikan, Vitto Neri, at si Jake Ejercito, na malapit na mapanood sa “Marry Me, Marry You.”

Mula naman sa RISE Artists Studio, pipirma rin ng kontrata sina Gigi De Lana, Zach Castaneda, Shanaia Gomez, Karina Bautista, Aljon Mendoza, Jayda, at ang breakout star ng “Hello, Stranger” na si JC Alcantara.

Makakasama rin ang mga artista mula sa mga katuwang na talent agencies tulad nina Alyssa Muhlach at Kiko Estrada ng ALV Events International, at sina Krystle, Lara Maigue, Moira Lacambra, Aikee, Poppert Bernadas, Gian Magdangal, Davey Langit, ar Anthony Barion ng ATEAM (Alcasid Total Entertainment & Artist Management, Inc).

Hindi rin pahuhuli sina Sab at Recio ng Star Music, Janine Berdin, Sheena Belarmino, JM Yosures, at iDolls ng Polaris, Ashley Del Mundo, Tan Roncal, Kiara Takahashi, Richard Juan, Lou Yanong, Kobie Brown, at Andi Abaya ng Star Hunt sa pagiging parte ng Star Magic family.

Mismong ang Star Magic head at ABS-CBN entertainment production head na si Laurenti Dyogi ang sasalubong sa kanila ngayong weekend, kung saan mangyayari na rin ang pagsasanib-pwersa ng lahat ng management groups sa ABS-CBN sa ilalim ng Star Magic. 

Kabilang dito ang Star Hunt Management ni Raymund Dizon na siyang gumagabay sa karera ng mga dating “Pinoy Big Brother” housemates pati na rin BGYO at BINI; ang Polaris Artists sa ilalim ni Reily Santiago na nangangalaga sa mga produkto ng Kapamilya talent contests tulad ng “Tawag ng Tanghalan”; RISE Artists Studio sa pangunguna nina Mico Del Rosario at Olivia Lamasan ng ABS-CBN Films; at ABS-CBN Music sa ilalim nina Jonathan Manalo at Roxy Liquigan.

Isa pang aabangan sa event ang panunumpa ng mga artista ng Star Magic Credo, kung saan ipapangako nila na kanilang paghuhusayan sa bawat pagganap, patuloy na hahasain ang kanilang sining, at panghahawakan ang mabuting mga katangian sa kanilang paglilingkod sa manonood. Magkakaroon din ng mga sorpresang pagtatanghal at iba pang anunsyo.

Maging bahagi ng makasaysayang Star Magic Black Pen Day ngayong Sabado (Hunyo 19) simula 4 pm Star Magic Facebook page at YouTube channel, ABS-CBN Entertainment at TFC Facebook pages, iWantTFC, at TFC IPTV. Para sa karagdagang impormasyon, i-follow ang @starmagicphils sa Facebook, Instagram, at Twitter. Para sa ibang ABS-CBN updates, sundan ang @ABSCBNPR sa Facebook, Twitter, at Instagram o pumunta sa www.abs-cbn.com/newsroom.