News Releases

English | Tagalog

Bida ang mga tatay ngayong Linggo sa 'ASAP Natin 'To'

June 19, 2021 AT 09:58 AM

Awesome performances for dads this Sunday on 'ASAP Natin 'To'

Show love and appreciation to your dads on the country's longest-running musical variety show, "ASAP Natin 'To," this Sunday, 12 NN

Abangan ang bagong single launch ng DonBelle

Bidang-bida ang mga tatay ngayong Linggo (Hunyo 20) dahil hatid ng inyong paboritong Kapamilya idols ang sunod-sunod na astig performance sa Father's Day celebration sa "ASAP Natin 'To" na mapapanood sa Kapamilya Channel, A2Z, at TV5.

Huwag palampasin ang mga pasabog na collab nina Asia's Pop Heartthrob Darren kasama ang new breed of ASAP singers na sina Sam Cruz, KD Estrada, Anji Salvacion, at Diego Gutierrez, pati na ang team-up nina OPM rockstar Bamboo at Kyle Echarri.

Maki-hataw naman kasama ang ASAP dance royalty na si Kim Chiu kasabay sina AC Bonifacio at dance hotties na sina Enchong Dee, Kyle Echarri, Christian Bables, Jameson Blake, at Joao Constancia. May dala namang energetic performance ang P-Pop pride at sensation na BGYO.

May dalang kilig naman sina Donny Pangilinan at Belle Mariano sa launch ng kanilang bagong songle na "Sigurado." Rarampa naman sa ASAP stage ang all-star cast ng "La Vida Lena" kasama ang Asia's Songbird na si Regine Velasquez. At painitin din ang inyong Linggo sa transformation nina Belle Mariano, Maris Racal, Lie Reposposa, Vivoree Esclito, at Maymay Entrata sa "ASAP Transformation." 

Abangan din ang kantahan ng timeless hits ng Air Supply ng ASAP new-gen birit divas na sina Elha Nympha, Sheena Belarmino, Zephanie, at Janine Berdin, at ang engrandeng Father's Day tapatan nina Ogie Alcasid, Regine Velasquez, Erik Santos, Angeline Quinto, Martin Nievera, Zsa Zsa Padilla, at Gary Valenciano sa "The Greatest Showdown."

Feel na feel ang love para sa ating mga tatay ngayong Linggo sa longest-running musical variety show sa bansa, ang "ASAP Natin 'To," 12 ng tanghali sa local TV sa Kapamilya Channel, A2Z, at TV5, online sa Kapamilya Online Live at iWantTFC, at worldwide via TFC. Para mapanood ito sa TV5 at A2Z, i-rescan lang ang digital TV box na ginagamit sa bahay, gaya ng TVplus.   

Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, at Instagram o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.