News Releases

English | Tagalog

Massage therapists, panalo ng P500K jackpot prize sa "Everybody, Sing!" ni Vice

June 26, 2021 AT 09:45 PM

Massage therapists win P500K jackpot in Vice Ganda's "Everybody, Sing!"

Vice Ganda couldn’t help but shout for joy after a group of massage therapists won the P500,000 jackpot prize in last night’s (June 26) episode of “Everybody, Sing!” on Kapamilya Channel, A2Z, Kapamilya Online Live, and iWantTFC.

Mapapanood na ng mas maaga at mas mahaba simula ngayong Sabado at Linggo  

 

Hindi mapigilan ang hiyawan nina Vice Ganda at ng songbayanan na massage therapists matapos nilang makuha ang P500,000 na jackpot prize kagabi (Hunyo 26) sa “Everybody, Sing!” na napapanood sa Kapamilya Channel, A2Z, Kapamilya Online Live, at iWantTFC.   

Sa loob ng 86 segundong naipon mula sa naunang rounds, nakuha ng mga masahista ang lahat ng awiting pinahula ni Vice para maging ikalawang jackpot winner mula nang nagsimula ang programa.  

“Dito talaga, pagtulong tulong, pag-iisa lang ang minimithi, walang nag-aaway, at iisa lamang ang objective, everybody wins,” ani Vice na nagdamit bilang Cleopatra sa community singing game show.    

Sa kanilang kwentuhan kasama ang Unkabogable star, ibinahagi ng songbayanan kung paanong nabawasan ang kanilang kita ngayong pandemya dahil sa mga umiiral na quarantine restrictions. Gayunpaman, nananatili silang masayahin. Kwento ng isa sa kanila, namasahe na niya ang aktor na si Carlo Aquino. Hirit naman ng isa, pangarap niyang maging kostumer si Coco Martin dahil kamukha raw ito ng mga naging kliyente niya sa Lebanon.   

Sobra sobra naman ang galak ni Vice sa kanilang pagkanalo.  “Sana ang napanalunan niyo dito ay magsilbing panimula ninyo para makabangon muli. We claim it. Makakabangon kayo muli.”    

Noong Linggo naman (Hunyo 26), isang grupo ng security guards ang nakasama sa kantahan at kwentuhan ni Vice Ganda, na nag-ala music icon na si Cher. Bigo man silang maiuwi ang jackpot prize, nag-uwi pa rin sila ng P20,000 bukod sa indibidwal na cash prize na nakuha sa mga naunang rounds.   

Samantala, mas maaga nang mapapanood ang “Everybody, Sing!” simula ngayong weekend sa bago nitong timeslot na 7 pm hanggang 8:30 pm sa parehong Sabado at Linggo. Kaya naman mas mahaba na ang kantahan at tawanan kasama si Vice Ganda at ang songbayanan sa first community game show sa bansa na may layuning bigyang-diin ang kahalagahan ng bayanihan at pagtutulungan, lalo na sa panahon ng pandemya.     

Sino-sino kaya ang bubuo sa songbayanan ngayong weekend? Abangan ang “Everybody, Sing!” kasama si Vice Ganda at ang resident band na Six Part Invention tuwing 7 pm ng Sabado at Linggo sa  A2Z, Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, iWantTFC, at TFC. Para sa latest tungkol sa “Everybody, Sing!” i-follow ang @EVERYBODYSINGPH sa Facebook, Twitter, at Instagram. Para sa ibang balita, i-follow ang @ABSCBNPR sa Facebook, Twitter, at Instagram, o pumunta sa www.abs-cbn.com/newsroom