News Releases

English | Tagalog

Jerry Yan at Shen Yue, mag-jowa na sa "Count Your Lucky Stars"

June 09, 2021 AT 08:12 PM

Jerry Yan and Shen Yue are now lovers in "Count Your Lucky Stars"

Jerry Yan (Calvin Lu) and Shen Yue (Andi) have finally made their relationship official after a series of conflicts and jealous encounters in “Count Your Lucky Stars” (CYLS), which airs weeknights on Kapamilya Channel, A2Z, and TV5.

Matapos ang ilang tampuhan at selosan, mag-boyfriend at girlfriend na rin sa wakas sina Jerry Yan (Calvin Lu) at Shen Yue (Andi) sa “Count Your Lucky Stars,” na  napapapanood sa Kapamilya Channel, A2Z, at TV5.  

Nagkabati ang dalawa at nagkasundong i-level up ang kanilang relasyon nang maglakas loob si Andi na tanungin si Calvin kung mayroong namamagitan sa kanila ng katrabaho niyang si Alexa.

Ngayong magkasintahan na sila, nalaman na rin ni Andi ang dahilan kung bakit nagdalawang-isip muna si Calvin na sumali sa Fashion Cup. Isiniwalat na sa wakas ni Calvin ang trauma kung paano isinakripisyo ng kanyang ina ang buhay para sa kanya noong maaksidente sila habang papunta sa Fashion Cup noong bata pa siya. 

Inimbitahan na rin ni Calvin si Andi na samahan siya sa kanyang studio at mag-resign sa kanyang trabaho sa Yange.  

Maging successful kaya ang pagsasama ng dalawa sa trabaho? Magwagi kaya sila sa Fashion Cup? Abangan ‘yan sa “Count Your Lucky Stars” tuwing Lunes hanggang Biyernes, 10 pm  sa Kapamilya Channel (cable), Kapamilya Online Live (Facebook at YouTube), A2Z (free TV), at TV5 (free TV). I-rescan lang ang anumang digital TV box na ginagamit sa bahay, gaya ng TVplus box, para mapanood sa TV5 at A2Z ang mga bagong episode ng “Count Your Lucky Stars.” Para sa viewers sa labas ng Pilipinas, mapapanood ito sa The Filipino Channel sa cable at IPTV. Para sa ibang balita, i-follow ang @ABSCBNPR sa Facebook, Twitter, at Instagram, o pumunta sa abs-cbn.com/newsroom.