News Releases

English | Tagalog

Catriona magpapaindak sa nu-disco version ng "R.Y.F"

July 13, 2021 AT 03:27 PM

Pagkatapos ilunsad ang kantang “R.Y.F” kamakailan, inilabas naman ngayon ni Catriona Gray ang nakakaindak na nu-disco version nito.
 
Hatid pa rin ng Star Music at CS Music ang “R.Y.F Nu-Disco” kung saan bida ang dance music na nagbabalik ng tunog disco ng dekada ‘70.



Sa “R.Y.F” launch noong Hunyo, ikinwento ni Catriona ang halaga ng kanta at pagnanais niya na maghatid ito ng pag-asa sa mga listeners na huwag sumuko sa kani-kanilang mga pangarap.
 
“I hope that the song could really be a reflection that life isn’t easy, getting to a dream isn’t easy,” aniya na may pagtutukoy pa sa song lyrics na nagsasabing mahalaga ang ‘single step’ at pag-uunti-unti sa pagtupad ng mga pangarap.

 
Ibinahagi rin ng Miss Universe 2018 kung ano ang ibig sabihin ng pagiging Pilipino para sa kanya at kung paano ito nagtratranslate sa kanyang musika. 
 
Aniya, “I am a cultural ambassador but I’m also someone who really tries to uplift the lives of fellow Filipinos. And I feel like that’s the message of ‘R.Y.F.”
 
Nagbalik-tanaw din siya sa pagsisimula ng orihinal “Raise Your Flag” song mula sa mga memorable statements niya sa tanyag na beauty pageant na nagbigay inspirasyon kina Trisha Denise at ABS-CBN Music creative director Jonathan Manalo na isulat ang kanta.
 
“I know it’s started as an ode to my journey in Miss Universe. But I hope that through my interpretation of the song, it can evolve to how I see it. It’s about raising your voice for something,” sabi ng Kapamilya singer.
 
Si KZ Tandingan ang unang nagrekord ng “Raise Your Flag” noong 2019 kasama ang rap verse ni Kritiko. Inilabas naman ni Catriona ang kanyang sariling rendition nitong Mayo.
 
Pakinggan ang “R.Y.F Nu-Disco” ni Catriona na available na sa iba’t ibang various music streaming services. Para sa iba pang detalye, follow Star Music sa Facebook (www.facebook.com/starmusicph/), YouTube, Twitter, at Instagram (@StarMusicPH).

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 3 PHOTOS FROM THIS ARTICLE