News Releases

English | Tagalog

Kapamilya singers binigyang-buhay ang mga komposisyon ng ABS-CBN employees

July 14, 2021 AT 10:47 AM

Kapamilya singers interpret winning song compositions of ABS-CBN employees

The new EP "OPM Fresh Songwriters Series" Vol. 1 features the top 5 songs of ABS-CBN's employee songwriting competition, Kapamilya Himig Handog.

Bida ang gawang-Kapamilya sa “OPM Fresh Songwriters Series” EP
 
May mga bagong awitin sina Jona, Kyla, Bugoy Drilon, Liezel Garcia, Trisha Denise, at Maris Racal na nakapaloob sa “OPM Fresh Songwriters Series Vol.1” EP. 
 
Ang mga ito ay ang produkto ng “Kapamilya Himig Handog,” isang songwriting contest para sa mga empleyado ng ABS-CBN na hango sa taunang “Himig Handog.”
 
Ang mga nagwaging Kapamilya ay sina Jane Abaday, Mark Marcos, Michelle Saubon, Christine Estabillo, at Mycah Borja na nagsulat ng top five entries na “Kaya Pala,” “Sleep Tonight,” “Mahiwaga,” “Ikaw Na Lang Ang Kulang,” at “Stop Missing You.”

 

Masayang-masaya si Jane (aka MJ) ng MOR Entertainment na sumulat ng Best Song na “Kaya Pala” kasama si Winset Jacot dahil sa wakas ay mapapakinggan na rin ng mas maraming tao ang unang Tagalog composition niya.
 
“We waited so much for this opportunity and finally, finally niabot (dumating) na! Plus extra grateful and honored for having the Jona as the artist to sing our composition,” post niya sa Instagram.
 
Isang mellow LGBT-friendly song ang “Kaya Pala” na tungkol sa isang babae na nalamang ang crush niyang lalaki ay may karelasyon pala na kapwa-lalaki.
 
Bukod kay Jona, ang iba pang interpreters ng top five songs ay ang singer-songwriter na si Trisha Denise para sa “Sleep Tonight” ni Mark; mga “Pinoy Dream Academy” alumni na sina Bugoy at Liezel para sa “Mahiwaga” ni Michelle; ang “Queen of R&B” ng Pinas na si Kyla para sa “Ikaw Na Lang Ang Kulang” ni Christine; at ang singer-actress na si Maris para sa “Stop Missing You” ni Mycah.
 
Lahat ng limang kanta na ipinrodyus ni ABS-CBN Music creative director ay pinagsama-sama sa “OPM Fresh Songwriters Series Vol.1” EP na napapakinggan na ngayon sa mga major digital music streaming platforms gaya ng Spotify, Apple Music, Deezer, Amazon Music, at iba pa.


 
Patunay nga ang mga kantang isinulat nina Jane, Mark, Michelle, Christine, at Mycah na patuloy lang ang ABS-CBN sa misyon nitong ibida ang talento ng mga Pilipino sa musika, na makikita sa pagp-prodyus nito ng mga kanta na nagtatampok sa ganda ng Original Pilipino Music (OPM).  
 
Ang “Kapamilya Himig Handog” ay pinangunahan ng Integrated Corporate Communications ng ABS-CBN sa pakikipagtulungan sa premier music label ng kumpanya na Star Music.
 
Pakinggan na ang “OPM Fresh Songwriters Series Vol. 1” EP sa iba’t ibang streaming platforms. Para sa iba pang detalye, i-like ang Star Music sa Facebook (www.facebook.com/starmusicph) at sundan ito sa Twitter at Instagram (@StarMusicPH).
 
 

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 5 PHOTOS FROM THIS ARTICLE