News Releases

English | Tagalog

Andrea at Francine, pinaghihiwalay ni Eula sa "Huwag Kang Mangamba"

July 15, 2021 AT 03:54 PM

Lalong tumitibay ang samahan ng magkapatid na sina Joy (Francine Diaz) at Mira (Andrea Brillantes) sa kabila ng mga paninira ni Deborah (Eula Valdes) para mapaghiwalay sila sa Kapamilya teleseryeng “Huwag Kang Mangamba.”

Magmula kasi nang malaman nilang magkadugo sila, hindi na mapaghiwalay ang dalawa at labis din ang pag-aalaga ni Joy kay Mira nang magkasakit ito.

Sa pagkalat naman ng magandang balitang tungkol kin aMira at Joy, tuloy-tuloy rin ang pagdami ng mga nabibigyan nila ng pag-asa at inspirasyon at ng mga tumutulong sa proyekto nila ng pagtatayo ng simbahan sa bayan ng Hermoso.

Ito naman ang ikinanggagalaiti ni Deborah lalo na’t tinitingnan niyang kakumpitensya ang magkapatid sa mga donasyon. Kaya naman ang plano ni Deborah at ng kapatid niyang si Agatha ay ang paghiwalayin ang dalawa.

Ngayon pa lang, panay paninira ang inaatupag ni Agatha na sinasabing magkaiba ang tatay nina Mira at Joy, at na si Mira ay bunga lamang ng kataksilan ng kanilang ina.

Sino nga ba ang tatay ni Joy? Mapaghiwalay kaya ni Deborah ang magkapatid?

Kumuha ng pag-asa at inspirasyon sa panonood ng “Huwag Kang Mangamba” gabi-gabi sa Kapamilya Channel, A2Z, TV5, Kapamilya Online Live, iWantTFC, WeTV, at iflix. I-rescan lang ang anumang digital TV box na ginagamit sa bahay, gaya ng TVplus box, para mapanood sa TV5 at A2Z ang mga bagong episode ng “Huwag Kang Mangamba.” Para sa viewers sa labas ng Pilipinas, mapapanood ito sa The Filipino Channel sa cable at IPTV.

Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, at Instagram o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 4 PHOTOS FROM THIS ARTICLE