News Releases

English | Tagalog

JM at YAM, pinuri ng netizens sa acting showdown sa Init sa Magdamag

July 15, 2021 AT 03:00 PM

Umaapaw na papuri ang natanggap nina JM de Guzman at Yam Concepcion mula sa netizens matapos matunghayan ang kinahantungan ng obsesyon ni Peterson (JM) sa asawang si Rita (Yam) sa hit serye na "Init sa Magdamag." 

Nakabilang sa top trending list ang hashtag ng episode na #ISMBatteredWife, pati ang mga karakter nina JM at Yam na si Peterson at Rita. Tweet ni @santoscharot, "Ang heavy ng episode tonight. Sorry pero ang bigat sa feeling! Huhusay ng Yam and JM #ISMBatteredWife."  

"Wanna applaud Yam Concepcionʼs and JM De Guzmanʼs acting. Award-winning!" post naman ni @TeamJoshNellaPH habang sabi ni @JanKeerBee, "I watched this #ISMBatteredWife yesterday in @iwanttfc and I have a feeling na magtetrend ito and yes, nagkatotoo nga. JM and Yam’s scene was superb. Great acting! Intense and dalang-dala ka. Applauded! Grabe!" 

Bukod sa galing ng dalawa, pinuri rin netizens ang paggawa ng ABS-CBN ng dekalidad na programa sa gitna ng pandemiya.   

Sabi ni @AizySky, "Creativity, cinematography, story, production, acting, actors…let’s admit it, only ABSCBN can give us dekalidad na teleserye!! Iba basta tatak Kapamilya! Ang husay!!! #ISMBatteredWife." "Si JM De Guzman, given naman na halimaw sa acting-an yan. Grabe yung mata pa lang, nangungusap at nakakatakot na. Perfect trio sina Yam, JM, and Gerald," saad ng Dubai based radio DJ na si Johnny Biryani. 

Para naman kay @chnohernandez, "Hands down to the whole creative and production team!!!! ABS-CBN parin talaga!!! Congrats Yam, JM, and Gerald!!! #ISMBatteredWife" 

Sa naturang episode, napanood ng viewers kung paano sinaktan at pinagsamantalahan ni Peterson ang kahinaan ng asawa dala ng hindi makatwirang pagseselos kay Tupe kahit wala itong pruweba. Nakatakas si Rita at naabutan nina Tupe (Gerald Anderson) at Raymund (Albie Casino) kaya naman naitakbo siya ng ospital. Ngayon, namimiligro na ang pagbubuntis ni Rita.  

Sa kabilang banda, nalaman din ng manonood na ang tatay ni Kiko (Gab Lagman) na si Lab (Boom Labrusca) ang nakapatay sa ama ni Tupe matapos maging balisa ng makita ang family picture nina Hannah (Alexa Ilacad) nang samahan niya ang kanyang anak na umakyat ng ligaw. 

Magtagumpay kaya si Rita na layuan ang asawa? Malaman kaya ni Hannah ang tinatago ni Lab? 

Panoorin ang “Init sa Magdamag” gabi-gabi, 9:20 sa TV5, A2Z, Kapamilya Channel, Jeepney TV at Kapamilya Online Live sa YouTube channel at Facebook page ng ABS-CBN Entertainment. Sa labas ng bansa, ito ay mapapanood sa The Filipino Channel. Mapapanood naman ang advance episodes nito sa iWantTFC at WeTV at iflix. 

Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, at Instagram o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom