News Releases

English | Tagalog

Jane, pinalayas si Coco sa "FPJ's Ang Probinsyano"

July 20, 2021 AT 11:19 AM

Tinuldukan na ni Lia (Jane De Leon) ang pagiging magkakampi nila ni Cardo (Coco Martin) matapos niya itong palayasin at ang buong Task Force Agila mula sa pamamahay niya ngayong linggo sa teleseryeng “FPJ’s Ang Probinsyano.”
 
Lubos na nasaktan si Lia sa ginawang pagtatraydor ni Cardo nang lusubin nito ang headquarters ng mga kasamahan niya sa Black Ops, taliwas sa napagkasunduan nilang dalawa. Dahil sa ginawa ni Cardo, nasa kritikal na kondisyon ang dating kasintahan ni Lia na si Albert (Geoff Eigenmann).
 
Maging ang mga kasama ni Cardo sa Task Force Agila, lalong lalo na si Diana (Angel Aquino), ay nagalit sa ginawa niya dahil inilagay niya sa kapahamakan ang kanilang buong grupo.
 
Habang nagkakagulo ngayon sina Lia at Cardo, dinukot naman ng mga ‘di kilalang lalaki ang kapatid ni Lia na si Audrey (Aya Fernandez).
 
Saan na magtatago ang Task Force Agila ngayong wala na silang lugar sa pamamahay ni Lia? Magkabati pa kaya sina Lia at Cardo para masagip si Audrey?
 
Huwag palampasin ang mga maaaksyong eksena sa “FPJ’s Ang Probinsyano” gabi-gabi sa Kapamilya Channel, A2Z, TV5, CineMo, Kapamilya Online Live sa YouTube channel at Facebook page ng ABS-CBN Entertainment, iWantTFC, WeTV, at iflix. I-rescan lang ang anumang digital TV box na ginagamit sa bahay, gaya ng TVplus box, para mapanood sa TV5 at A2Z ang mga bagong episode ng “FPJ’s Ang Probinsyano.” Para sa viewers sa labas ng Pilipinas, mapapanood ito sa The Filipino Channel sa cable at IPTV.
 
Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, at Instagram o bisitahin ang abscbnpr.com.
 
 

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 5 PHOTOS FROM THIS ARTICLE