News Releases

English | Tagalog

Jane De Leon maghahanda na para sa "Darna," magpapaalam sa "FPJ's Ang Probinsyano"

July 28, 2021 AT 03:18 PM

Lilipad na sa wakas bilang Darna si Jane De Leon at magsisimula nang mag-taping para sa “Mars Ravelo’s Darna: The TV Series” ngayong Setyembre.

Dahil dito, tinatapos na ni Jane ang mga natitira niyang eksena sa "FPJ's Ang Probinsyano," kung saan niya ginagampanan ang karakter ni Capt. Lia Mante.

Mapapanood ang mas maaksyong "FPJ's Ang Probinsyano" sa mga susunod na gabi dahil sa pagsasanib-pwersa nina Lia at Cardo para sa isang mahalagang misyon.

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 3 PHOTOS FROM THIS ARTICLE