News Releases

English | Tagalog

Roxanne at Joross, magpapakilig sa "Hoy, Love You" on Kapamilya Channel and A2Z

July 28, 2021 AT 02:12 PM

Roxanne and Joross to make hearts flutter in "Hoy, Love You" on Kapamilya Channel and A2Z

Is it still possible for single parents to find true love? This is the question that ABS-CBN’s romantic-comedy series “Hoy, Love You!,” featuring the pairing of Joross Gamboa and Roxanne Guinoo-Yap, aims to answer as it starts airing this Saturday (July 31), 9:30 pm on Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live (KOL), and A2Z. The cast of the show will also be watching the pilot episode with surprises for viewers during the gap show for those tuned in on KOL.

Cast ng show, makakasasama sa Kapamilya Online Live sa Sabado

 

Posible pa rin kayang makahanap ng tunay na pag-ibig ang single parents? 

Iyan ang balak sagutin ng ABS-CBN romantic-comedy series na “Hoy, Love You!” tampok ang balik-tambalan nina Joross Gamboa at Roxanne Guinoo-Yap na mapapanood na simula ngayong Sabado (Hulyo 31), 9:30 pm sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live (KOL), at A2Z. Kasabay ng mga Kapamilya sa panonood ang cast ng programa, na may mga hatid na sorpresa sa gap show para sa mga nakatutok sa KOL.

Bibigyang buhay ng dating magka-loveteam na sina Joross at Roxanne ang single parents na sina Jules at Marge na hangaring mabigyan ng magandang buhay ang kani-kanilang mga supling. 

Upang mataguyod ang anak na architecture student (Brenna Garcia), puspusan ang pagtatrabaho ni Jules (Joross) bilang contractor, habang interior designer naman si Marge (Roxanne) na mag-isang sinusuportahan ang anak na si Charles (Aljon Mendoza) matapos siyang iwan ng dating kasintahan (Dominic Ochoa). 

Magtatagpo ang landas nina Jules at Marge sa isang construction project sa Lobo, Batangas, at doon unti-unting mahuhulog ang loob nila sa isa’t isa.  

Unang ipinalabas noong Enero sa iWantTFC ang rom-com, na kinakiligan ng fans ng loveteam na JoRox na nabuo sa “Star Circle Quest.”

“I’m not sure what the tandem of JoRox has but they never fail to bring me kilig and happiness. Whether it’s drama or comedy, they’re both really good at it,” tweet ni user @reigndelacruz. 

Lalo pang gaganahan ang mga manonood dahil inihahanda na rin ang Season 2 ng “Hoy, Love You!”

Bukod sa JoRox love team, dapat ding abangan ang KarJon tandem nina Aljon Mendoza at Karina Bautista. Tampok din sa cast ng “Hoy, Love You!” sina TJ Valderrama, Pepe Herrera, Yamyam Gucong, Keanna Reeves, at Ms. Carmi Martin mula sa direksyon ni Theodore Boborol. 

Para sa ibang balita, i-follow ang @ABSCBNPR sa Facebook, Twitter, at Instagram, o pumunta sa www.abs-cbn.com/newsroom