News Releases

English | Tagalog

Erich at Janice, reresbakan na si Agot sa "La Vida Lena"

July 30, 2021 AT 02:30 PM

Lagot! Kabahan na dapat sina Agot at Raymond

Paghihiganti sa mga kaaway ang nag-iisang pakay ni Magda (Erich Gonzales) sa paglaya niya mula sa kulungan sa teleseryeng “La Vida Lena,” na napapanood sa Kapamilya Channel, A2Z, at TV5.

Lumuwas na patungong Maynila si Magda para buhayin ang kasunduan nila ng dating ka-selda na si Ramona (Janice De Belen), isang dating cosmetic surgeon na may krusada ring maghiganti sa makapangyarihang pamilya Narciso na kinabibilangan ni Vanessa (Agot Isidro).

Magkatulad ang naging kapalaran ng dalawa dahil gaya ni Magda, nagdusa rin si Ramona sa kamay ng mga Narciso, kinasuhan, pinakulong, at pinapatay ang hindi pa niya naisisilang na anak.

Kahit naman ang sabong naimbento niya ang nagdulot ng hinagpis sa kanya, ibabalik ni Magda ang Magda’s Magic Soap para kalabanin ang mga produkto ng Royal Wellness, ang kumpanya ng mga Narciso. Ngunit mahihirapang bumangon si Magda mula sa pagkakalugmok dahil aakusahan siyang kinopya niya ang formula ng sabon ng kalaban.

Paano makakawala si Magda sa paulit-ulit na pagpapahirap sa kanya ng mga Narciso?

Subaybayan ang paghihiganti ni Lena sa “La Vida Lena” gabi-gabi, 10 PM sa Kapamilya Channel, A2Z, TV5, at Kapamilya Online Live sa YouTube channel at Facebook page ng ABS-CBN Entertainment. I-rescan lang ang anumang digital TV box na ginagamit sa bahay, gaya ng TVplus box, para mapanood ito sa TV5 at A2Z. Mapapanood din ang episodes nito sa iWantTFC at sa The Filipino Channel (TFC) sa cable at IPTV para sa viewers sa labas ng Pilipinas.

Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, Instagram, at TikTok o bisitahin ang abscbnpr.com.

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 5 PHOTOS FROM THIS ARTICLE