News Releases

English | Tagalog

Santino ng 'Team YeY' tampok sa 'The Lion King' musical abroad

July 30, 2021 AT 04:25 PM

'Team YeY's' Santino shines as Young Simba in 'The Lion King' musical abroad

Kids continue to enjoy Santino, Marcus, and Omar's talent as they can be seen on YeY's award-winning kids-oriented show "Team YeY"

Sumunod sa naunang miyembro na gumanap na Young Simba

Patuloy na nagpupunyagi ang mga Pinoy sa international theatre scene matapos mapabilang ang "Team YeY" member na si Santino Juan Santiago sa katatapos lamang na theatrical adaptation ng Disney animated hit na "The Lion King" bilang Young Simba.   

Isa si Santino sa dalawang Pinoy na kabilang sa New Zealand staging ng "The Lion King," na pinalabas hanggang Hulyo 18 sa Spark Arena, Auckland.   

Maliban sa kanyang pagganap bilang batang Simba, kilala rin siya sa bansa bilang isang mahusay na aktor sa teatro matapos gumanap sa "Rizal Behind Bars" at "Noli Me Tangere the Opera," at nakatanggap din ng nominasyon noon sa 2019 Aliw Awards bilang Best Child Performer.   

May ilan ding "Team YeY" stars ang napabilang noon sa produksyon ng "The Lion King," kabilang sina Marcus Cabais at Omar Uddin. Ginampanan ni Omar ang batang Simba sa Manila run nito noong 2018, habang si Marcus naman ay sumali rin sa Singapore run nito. 

Patuloy namang matutunghayan sina Santino, Marcus, at Omar sa award-winning kids-oriented show na "Team YeY," na mapapanood ang lahat ng episode mula season 1 hanggang 5 sa youtube.com/yeychannel na official Youtube channel ng YeY.   

Para sa iba pang exciting content, promos at updates sa mga programa nito, bisitahin lamang ang YeY sa Facebook (fb.com/yeychannel), Instagram (@yeychannel), TikTok (@yey.channel), at YouTube account nito. Mapapanood din ng mga bata ang mga paborito nilang YeY show sa Just Love Kids website ng ABS-CBN Entertainment sa ent.abs-cbn.com/justlovekids.   

Para sa updates, sundan ang ABS-CBN PR sa Facebook, Twitter at Instagram o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom