News Releases

English | Tagalog

Andrea at Francine, magkapatid sa "Huwag Kang Mangamba"

July 07, 2021 AT 01:16 PM

Nabigyan na ng sagot ang isa sa pinakamalalaking tanong sa buhay nina Mira at Joy (Andrea Brillantes at Francine Diaz) pagkatapos nilang madiskubre ang katotohanang magkapatid sila sa ABS-CBN teleseryeng “Huwag Kang Mangamba,” na napapanood gabi-gabi sa Kapamilya Channel, A2Z, at TV5.

Natuklasan na sa wakas ni Joy na kapatid niya si Mira pagkatapos niyang malaman na nagmamay-ari din siya ng isang krus na kapareho ng kay Mira. Ayon sa lola nila, ang nanay mismo nila ang gumawa ng mga ito para sa kanilang dalawa. 

Ngayong alam na nila ang tunay nilang relasyon, iigting ang paghahanap nila sa kanilang ina, lalo na’t nalaman nilang pumunta ito sa Hermoso noon para hanapin ang tatay ni Joy na si Samuel (Diether Ocampo). 

Ngunit sa kabila nito, wala pa ring kamalay-malay sina Mira at Joy na matagal nang pinatay nina Agatha at Deborah (Mercedes Cabral) ang kanilang ina at hanggang ngayon ay naghahanap sila ng paraan upang paghiwalayin ang dalawang dalaga.

Ano pa ang masasamang balak nina Agatha at Deborah kina Mira at Joy? Matuklasan pa kaya nina Mira at Joy ang totoong dahilan ng pagkawala ng kanilang ina?

Kumuha ng pag-asa at inspirasyon sa panonood ng “Huwag Kang Mangamba” gabi-gabi sa Kapamilya Channel, A2Z, TV5, Kapamilya Online Live, iWantTFC, WeTV, at iflix. I-rescan lang ang anumang digital TV box na ginagamit sa bahay, gaya ng TVplus box, para mapanood sa TV5 at A2Z ang mga bagong episode ng “Huwag Kang Mangamba.” Para sa viewers sa labas ng Pilipinas, mapapanood ito sa The Filipino Channel sa cable at IPTV.

Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, at Instagram o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.