News Releases

English | Tagalog

The Squad+, ilan pang social media personalities, bibida na rin sa FYE channel

July 07, 2021 AT 02:02 PM

Mukbang, usaping pets at sports, hatid ng mga bagong kumu streamers!
 
Sasabak na rin sa livestreaming sa kumu ang Squad+, TikTok mukbanger na si Bite King, trusted vet na si Doc Gelo, at sportswriter/host na si Naveen Ganglani na mapapanood sa mga bago nilang shows sa FYE channel bilang selebrasyon ng unang “FYEsta” anniversary ng digital channel.
 
Sa mga laging naghahanap ng latest sa “The Squad+,” pwede na ring tumutok sa FYE channel, kung saan kada episode, mapapanood ang ilang squadmates na magkwento tungkol sa vlog nila na ia-upload bawat linggo. Abangan sina KD Estrada, Angela Ken, Sam Cruz, at Kobie Brown na maglalaro ng musical game with truth or consequence sa episode ng “The Squad+” sa July 12.
 
Samantala, para naman sa mga pet lovers na gustong mag-share ng experience nila sa kanilang ‘furbabies’ at mas matuto pa ng pet parenting, tutok na sa “Pet Talks with Doc Gelo,” kung saan ang veterinarian at YouTuber na si Dr. Angelo Martin aka Doc Gelo na isa ring fur parent ay magdi-discuss ng mga kaalaman tungkol sa mga alagang aso at pusa.
 
May bagong show din na “kumukbang with Bite King” para sa mga mahilig manood ng ‘mukbang’ (o eating broadcast), kung saan ang 22-anyos na certified mukbanger mula TikTok na si James “BiteKing” Torres ay magi-stream nang isang oras sa FYE channel habang nagmu-mukbang.
 
Syempre pa, may aabangan din ang mga sports fans sa “It’s Game Time” kasama ang Rappler writer at podcast host nitong si Naveen na maghahatid ng latest updates sa sporting world, magbibigay ng mga analysis niya sa laro, magi-interview ng mga athlete, at magbubukas din ng debate sa mga manonood.
 
Tutok na sa “The Squad+” tuwing 5 pm ng Lunes, “Pet Talks with Doc Gelo” 12 nn kada Martes, “kumukbang with BiteKing” 6 pm tuwing Miyerkules, at “It’s Game Time” 2 pm kada Biyernes sa FYE channel on kumu.
 
I-download na ang kumu app sa link na ito: https://app.kumu.ph/fyechannel at i-follow ang @ fyechannel. Para sa updates, sundan ang ABS-CBN PR sa Facebook (www.facebook.com/abscbnpr), Twitter at Instagram (@abscbnpr) o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.