News Releases

English | Tagalog

Janine may kanta para sa mga feeling itsapwera

August 10, 2021 AT 11:29 AM

Janine embraces being "The Side Character" in new single

“It’s a song for all the people who feel like side characters. I chose to tell that story to cope with the pain.” - Janine Berdin on "The Side Character"

“The Side Character” ni Janine, magpapagaan ng loob  
 
Kwento ng isang ‘wallflower’ na tanggap na hindi siya angat kumpara sa iba ang tema ng bagong single ng “Tawag ng Tanghalan” season 2 grand champion na si Janine Berdin na “The Side Character.”
 
“’Yung kanta na ‘to para sa mga pakiramdam nila side character sila,” ani Janine, na sinabing isinulat niya ang kanta para magpagaan ng loob ng mga nakaka-relate dito.

 
Si Janine kasama si Dominic Guyot ang sumulat ng bagong Star Music release na tungkol sa insecurity, pagdududa sa sarili, at pakiramdam na hindi ka sapat, pero ang mensahe na nais iparating ni Janine dito ay ang halaga ng pagtanggap sa kung sino ka bilang isang tao.
 
Aniya, “Kahit na pakiramdam mo lagi ka lang nasa gilid, mahalaga ka pa rin. Importante ang role mo. Hindi makukumpleto ang istorya kung wala ka.”
 
Samantala, pinuri naman ng netizens sa YouTube ang kanta na anila’y relatable at pinuri rin si Janine sa pagsusulat ng kanta na madaling pakinggan at may mahahalagang tema.
 
“It's really hard to be just a side character in your own story but yeah, at the end of the day you should love yourself for who you are. Thank you Janine for your music,” comment ni Joanluz Alvarez.
 
“Kudos to Janine! Been listening to this a thousand times already. I love the song and I can literally relate hahaha. Continue making songs, you're a great singer and songwriter,” ani Alicia Margaret Estella.
 
Noong 2020 ini-release ni Janine ang kantang “Wala Ako N’yan,” na siya rin ang nagsulat. Kamakailan lang, pumirma na rin siya ng kontrata bilang Star Magic artist. Regular siyang napapanood sa “ASAP Natin ‘To” kasama ang iba pang New Gen Divas na sina Elha Nympha, Sheena Belarmino, at Zephanie.
 
Yakapin ang pagiging “The Side Character” at pakinggan ang bagong single ni Janine sa Star Music YouTube channel at sa iba’t ibang digital music services. Para sa iba pang detalye, i-like ang Star Music sa Facebook (www.facebook.com/starmusicph) at sundan ito sa Twitter atInstagram (@StarMusicPH).
 
 

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 4 PHOTOS FROM THIS ARTICLE