News Releases

English | Tagalog

Erich panay ang pang-aakit kay JC sa "La Vida Lena"

August 11, 2021 AT 10:58 AM


Gamit na gamit ni Magda (Erich Gonzales) ang bago niyang ganda dahil walang patid ang pang-aakit at panlilinlang niya kay Adrian (JC De Vera) sa “La Vida Lena,” na napapanood sa Kapamilya Channel, A2Z, at TV5.

 

Pagkatapos ang pagpaparetoke niya ng mukha, target ngayon ni Magda na paibigin si Adrian, ang nag-iisang anak nina Vanessa at Lucas Narciso, ang mga pinakamalupit niyang kaaway na nagpahirap sa kanya. Ito ang pakana ni Magda para makakuha ng mahalagang impormasyon tungkol sa negosyo ng mga Narciso at para na rin maplano nang maayos ang pagpapabagsak sa kanila.

 

Kasama naman si Ramona (Janice De Belen), nailunsad na ang bagong kumpanya nila ni Magda na M&R, ang kakalaban sa Royal Wellness ng mga Narciso.

 

Sa kabila nito, plantsado na ang mga plano ni Magda dahil hindi pa rin nabubuko ni Adrian kung sino talaga siya, at wala ring alam ang mga Narciso na si Magda ang may-ari ng bago nilang kalaban sa negosyo.

 

Ano ang susunod na gagawin ni Magda para makapaghiganti? Tuluyan na kayang mahulog si Adrian sa bitag ni Magda?

 

Subaybayan ang paghihiganti ni Lena sa “La Vida Lena” gabi-gabi, 10 PM sa Kapamilya Channel, A2Z, TV5, at Kapamilya Online Live sa YouTube channel at Facebook page ng ABS-CBN Entertainment. I-rescan lang ang anumang digital TV box na ginagamit sa bahay, gaya ng TVplus box, para mapanood ito sa TV5 at A2Z. Mapapanood din ang episodes nito sa iWantTFC at sa The Filipino Channel (TFC) sa cable at IPTV para sa viewers sa labas ng Pilipinas.

 

Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, Instagram, at TikTok o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.