News Releases

English | Tagalog

Eula, iipitin sina Andrea at Francine sa "Huwag Kang Mangamba"

August 11, 2021 AT 02:38 PM

Eula blackmails Andrea and Francine in "Huwag Kang Mangamba"

Will Deborah successfully pressure Mira and Joy into accepting her offer?

Umpisa na ng pangingikil ng pekeng faith healer na si Deborah (Eula Valdes) kina Mira at Joy (Andrea Brillantes at Francine Diaz) para makuha ang gusto niya sa teleseryeng “Huwag Kang Mangamba,” na napapanood gabi-gabi sa Kapamilya Channel, A2Z, at TV5.

Kina Mira at Joy sisisihin ni Deborah ang madugong aksidente sa construction site ng ipinapatayong simbahan, kung saan maraming trabahador ang naiwang sugatan. 

Lalo pang lalala ang sitwasyon ng magkapatid dahil iipitin sila ni Deborah na ibigay sa kanya ang lupa ng simbahan kapalit ng pagtulong nito sa mga biktima. Nangako naman si Deborah na kapag hindi siya pagbibigyan ng magkapatid, gagawin niya ang lahat para siraan sila at ang simbahan nang tuluyan.

Ang hindi alam nina Mira at Joy, si Deborah mismo ang nagplano ng aksidente dahil ito ang naiisip niyang paraan para siraan ang dalawa at maipatayo na ang matagal na niyang inaasam na healing dome para dumami ang mga debotong mapeperehan niya.

Papayag kaya sina Mira at Joy na mapunta ang lupa kay Deborah?

Kumuha ng pag-asa at inspirasyon sa panonood ng “Huwag Kang Mangamba” gabi-gabi sa Kapamilya Channel, A2Z, TV5, Kapamilya Online Live, iWantTFC, WeTV, at iflix. I-rescan lang ang anumang digital TV box na ginagamit sa bahay, gaya ng TVplus box, para mapanood sa TV5 at A2Z ang mga bagong episode ng “Huwag Kang Mangamba.” Para sa viewers sa labas ng Pilipinas, mapapanood ito sa The Filipino Channel sa cable at IPTV.

Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, Instagram, at TikTok o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.