News Releases

English | Tagalog

Bugoy, Geneva, Jed, Kakai atbp. magbabalik-tanaw sa OPM sa 8-oras na YouTube extravaganza

August 12, 2021 AT 04:24 PM

Bugoy, Geneva, Jed, Kakai, and more artists to sing OPM's best in an 8-hour YouTube extravaganza

The eight-hour online musical event, happening this Sunday (August 15), is presented by ABS-CBN Music and ABS-CBN Events and will be livestreaming on ABS-CBN Star Music YouTube channel.

Unang pasabog ng “Kapamilya YOUniverse” na “Gold School” mapapanood na ngayong August 15   

Tiyak na may kurot sa puso ang mga awiting maririnig sa “Gold School: The Best of OPM” online gig na mapapanood ng live ngayong Linggo (August 15) simula 12 nn sa  ABS-CBN Star Music YouTube channel.

Kasama rito ang mga bigating performances nina Bugoy Drilon, Kakai Bautista, Nyoy Volante, Geneva Cruz, Ana Ramsey, Dingdong Avanzado, Tres Marias, at Jed Madela tampok ang mga tumatak na OPM songs mula dekada ’70 bilang espesyal na handog ng ABS-CBN Music at ABS-CBN Events.

Ka-abang-abang dito ang pag-awit ni Jed ng mga sumikat na kanta ng Pinoy pop band na Cinderella at ng rock icon na Sampaguita. Mapapanood naman si Dingdong na magpapaibig muli sa kanyang fans gamit ang mga sariling awitin. Samantala, magpapaindak naman si Bugoy sa pamamagitan ng mga kantang reggae habang acoustic performances naman ang ibibida ni Nyoy.

Kabilang din sa “Gold School” si Kakai na baon ang kwento ng nasawing pag-ibig sa kanyang mga kakantahin. Syempre, hindi mawawala ang mga pinasikat na kanta ng Smokey Mountain noong dekada ‘90 mula kay Geneva. Nariyan din si Anna na babalikan ang mga minahal na programa ng ABS-CBN sa kanyang teleserye theme songs. Bibigyang-buhay naman ng Tres Marias na sina Bayang Barrios, Cooky Chua, at Lolita Carbon ang mga natatanging awitin mula sa iba’t ibang OPM icons. 

Ang “Gold School” online gig na nga ang isa sa mga exciting “Made for Youtube” titles na kabilang sa bagong “Kapamilya YOUniverse,” na handa nang maghatid ng mga programa, musika, pelikula, at balita sa pinagsama-samang YouTube channels ng ABS-CBN na Star Cinema, Star Music, MOR Entertainment, ABS-CBN News, at ABS-CBN Entertainment.

Pakinggan ang timeless Pinoy hits sa “Gold School: The Best of OPM” ngayong Linggo (August 15) sa ABS-CBN Star Music YouTube channel: Bugoy Drilon in Jah Reggae Hits (12 nn), Kakai Bautista in Sawi Nights (1 pm), Nyoy Volante Acoustic Hits (2 pm), Geneva Cruz sings Smokey Mountain (3 pm), Ana Ramsey sings Teleserye Theme Songs (4 pm), Dingdong Avanzado sings his hits (5 pm), Tres Marias, OPM icons (6pm), at Jed Madela sings Cinderella and Sampaguita hits (7 pm).

Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, Instagram, at TikTok o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.