News Releases

English | Tagalog

Record-breaking na MYX Awards 2021, ipapalabas sa MYX Channel ngayong Sabado

August 13, 2021 AT 01:45 PM

Tampok ang performances nina Ed Sheeran, LANY, SB19 at marami pang iba
 
Mapapanood na rin sa telebisyon ngayong Sabado (August 14), 8 pm ang matagumpay na MYX Awards 2021 na nagtala ng mahigit 4.3 milyong tweets mula sa fans sa iba’t ibang bahagi ng mundo at umani ng mahigit 1.6 million video views online.
 
Nalagpasan nito ang 4 million tweets sa MYX Awards show noong isang taon, sa pangunguna ng #MYXAwards2021 at mga hashtags na may kinalaman sa big winner na SB19 na #SB19atMYXAwards2021, #SB19, at #SB19MYX2021AllKill sa tulong ng A’TINs.

Kasama rin sa top 10 hashtags ang mga may kinalaman sa BTS na nanalo ng International Video of the Year, performer na BGYO, New Artist of the Year nominee na si Maine Mendoza, host na si Edward Barber at award presenter na si Maymay Entrata o kilala bilang MayWard, at isa pang nominee na si Darren Espanto.
 
Top celebrities din sa Twitter para sa gabi ng awards night ang BTS, SB19, BGYO, at Collaboration of the Year at Mellow Video of the Year winner na Ben&Ben pati na ang pinakahihintay na performer na si Ed Sheeran, na naghandog ng acoustic version ng single niyang “Bad Habits.”
 
Samantala, ang mga naka-upload na #MYXAwards2021 videos sa Facebook page, Twitter account, at YouTube channel ng MYX ay nakapagtala na sa ngayon ng combined 1.6 million views. Ilan sa mga pinakapinanood sa mga platform na ito ang “MAPA,” “He’s Into Her,” at “Upuan” performances ng SB19, BGYO, at Ben&Ben.
 
Bukod sa pagbibigay-parangal sa mga bigating hitmaker ng nakalipas na taon, ibinida rin ng #MYXAwards2021 ang mga performance ng maraming foreign artists. Bukod kay Ed Sheeran, naghandog din ng awitin sina LANY, AJ Mitchell, Alec Benjamin, Clinton Kane, Jack Kays, James TW, Joel Corry, John K, JP Saxe, Lukas Graham, MAX, Maximillian, New Hope Club, Ritt Momney, T1419, Tom Grennan, Valley, and Pink Sweat$ para sa kanilang Pinoy fans.
 
Siyempre, ibinida rin ng event ang Filipino talent kasama sina Ebe Dancel, Inigo Pascual, Kiana V, Leanne & Naara, Maris Racal, Nameless Kids, Rico Blanco, at Zild. Inawit naman nina KZ Tandingan, Bayang Barrios, Cooky Chua, Noel Cabangon, at Yeng Constantino ang ilan sa biggest hits ng Pinoy folk-rock band na Asin, na kinilalang MYX Magna awardee. 
 
‘Wag palampasin ang television premiere ng #MYXAwards2021 ngayong Sabado (August 14), 8pm sa MYX na mapapanood sa SKYcable ch. 23, Cignal ch. 150, GSAT ch. 35, at sa iba pang provincial cable operators.  Para sa iba pang detalye, sundan ang MYX Philippines sa FacebookYouTubeTwitter, kumuTikTok, at Instagram.