News Releases

English | Tagalog

Dating BoybandPH member na si Russell, may solo single na

August 17, 2021 AT 03:35 PM

Takot pumasok sa bagong relasyon…

May solo single na ang dating BoybandPH member na si Russell, ang “Afraid” na proyekto niya kasama ang Tarsier Records label head na si Moophs.

Isang R&B, neo-soul na may bossa nova vibe ang “Afraid” na tungkol sa proseso na pinagdadaanan ng isang tao na natatakot pumasok ulit sa isang relasyon pagkatapos ng pinagdaanan niya dati.

Ani Russell, ‘unique’ para sa kanya ang kanta kung pagbabasehan ang instrumentations, vocals, at harmonies nito at ito raw aniya ay ‘mula sa puso.’

Kwento naman ni Moophs, malapit sa puso niya ang unang proyekto niya kasama si Russell dahil sa samba at bossa roots ng kanta na nagpapaalala sa kanya ng kanyang kabataan. Ginamitan niya ito ng classical guitar at maririnig din ang mix ng modern hip-hop at classic Brazilian percussion.

Nasa Chicago sa Amerika ngayon si Russell na isinulat at ini-record ang “Afraid” habang pinagsasabay-sabay ang tatlong trabaho pagkatapos i-send ni Moophs ang beat ng kanta sa kanya noong 2020. Hudyat na rin ito ng paggawa pa niya ng mas maraming kanta na magpapakita kung ano ang passion niya sa buhay, na maririnig sa debut EP niya na ire-release sa ilalim ng Tarsier Records.

Samantala, ilan naman sa mga inilabas na kanta ni Moophs ay ang kolaborasyon niya kasama si Inigo para sa “Options” album nito at single na “Araw Mo.” Kamakailan lang, inilabas din niya ang kantang “Shipwrecked,” ang pangalawang kanta nila ni Bugoy Drilon.

‘Wag pigilan ang pag-ibig at pakinggan ang bagong single nina Russell at Moophs na “Afraid” simula ngayong Biyernes (Agosto 23) sa iba’t ibang digital music streaming services. Para sa updates, sundan ang Tarsier Records sa mga social media account nito @tarsierrecords.

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 4 PHOTOS FROM THIS ARTICLE