News Releases

English | Tagalog

Yam, gustong itakas ang anak sa "Init sa Magdamag"

August 21, 2021 AT 11:41 AM

Buo na ang loob ni Rita (Yam Concepcion) na tumakas kasama ang anak mula kay Peterson (JM de Guzman) dahil patindi nang patindi ang kanyang takot sa kayang gawin nito sa hit serye na “Init sa Magdamag,” na napapanood gabi-gabi sa TV5, A2Z, Kapamilya Channel, and Jeepney TV.    

 

Matapos niyang malaman na si Peterson ang nagtangakang pumatay kay Tupe (Gerald Anderson), kailangan na rin niyang harapin ang pamimilit ng asawa na iuwi ang anak linggo-linggo. Lumala pa ang kanyang pag-aaalala dahil patuloy niyang naaalala ang karahasang dinanas sa asawa.

 

Nang aminin ni Rita kay Tupe ang balak, narinig agad ito ni Peterson dahil patuloy pa rin ang pag-eepsiya nito sa kanila. Dahl sa selos, inisip na naman muli nito na sasama si Tupe sa mag-ina.  

 

Samantala, patuloy na naghahanap ng paraan si Tupe para idiin si Peterson sa pagtatangka sa kanyang buhay. Ngunit hindi sapat ang ebidensyang nakalap nito. Inamin man ni Peterson sa kanya ang pagtatangka, walang witness na makapagpapatunay dito.  

  

Ano kaya ang gagawin ni Peterson para mapigilan ang pagtakas ng kanyang mag-ina?
 

 

Nitong Biyernes (Agosto 20), napanood ng viewers sa Facebook Page ng Star Creatives ang interview ng King of Talk, Boy Abunda kina Gerald, Yam, at JM sa “Init Conversations,” kung saan maiinit na tanong ang hinarap ng tatlo. Sa mga gustong mapanood ang kabuuan ng interview, maari pang mapanood ito sa FB page ng Star Creatives. 

​Panoorin ang huling buga ng “Init sa Magdamag” gabi-gabi, 9:20 sa TV5, A2Z, Kapamilya Channel, Jeepney TV at Kapamilya Online Live sa YouTube channel at Facebook page ng ABS-CBN Entertainment. Sa labas ng bansa, ito ay mapapanood sa The Filipino Channel habang ang advance episodes nito ay nasa iWantTFC at WeTV iflix.  

  

Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, Instagram, at TikTok o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.