News Releases

English | Tagalog

"Pinoy Big Brother" magbabalik para sa ika-10 season

August 27, 2021 AT 07:44 PM

"Pinoy Big Brother" returns this pandemic for its 10th season

Big Brother is back as he opens his famous yellow house again in the middle of the pandemic to spread happiness, inspiration, and bring together Filipino communities in “Pinoy Big Brother Kumunity Season 10.”

Bianca, mangunguna sa celebration ng ex-“PBB” housemates sa Kumu 

Muling magbubukas ang Bahay ni Kuya upang magbigay saya at inspirasyon na magbubuklod sa mga komunidad ng Pilipino ngayong pandemya sa “Pinoy Big Brother Kumunity Season 10.”  

Ito ang naging pasabog na announcement nila Vice Ganda at former housemates na sina Ryan Bang, at Teen Big Winner Kim Chiu  sa “It’s Showtime” ngayong hapon (Agosto 27) sa pagpapakilala nila sa bagong season ng “PBB” na magkakaroon ng adult, celebrity, at teen editions.

“Binigyan ako ng task ni Big Brother para sabihin sa lahat na magbubukas na ulit ang bahay ni Kuya para sa Season 10 ng ‘Pinoy Big Brother.’ Naka-10 seasons na pala tayo,” ani Kim.

Dagdag ni Ryan, “Sabi nga sa labas ng bahay niya…a new community will rise soon.”  

Ang tinutukoy ni Ryan ang mistulang pagsasara ng bahay ni Kuya dahil tinakpan ito ng blue construction cover na may mensaheng, “a new community will rise soon.” Nabulabog ang netizens sa mga kumalat na larawan sa social media nagtaka sila kung tuluyan na bang mamamaalam si Kuya. 

Sinundan pa ito ng pagpaskil ng numero 10 sa tabi ng gate ng tinaguriang pinakasikat na bahay sa Pilipinas na napansin din ng ilan sa mga dating housemate ni Kuya tulad nina Kim Chiu, Gerald Anderson, Lou Yanong, Maris Racal, Maymay Entrata, Ryan Bang, Sam Milby, at Seth Fedelin.  

Katulad sa “PBB Connect,” sa Pinoy community platform na Kumu gaganapin ang auditions para sa “Pinoy Big Brother Kumunity” na magsisimula sa Setyembre 1 para sa adult edition at Disyembre 1 naman para sa teen edition. Matatandaang mainit ang pagtanggap ng mga Pilipino sa nakaraang season kung saan 177,524 ang nag-audition upang maging housemate ni Kuya.

Magaganap din ngayong araw sa Kumu ang pagsama-sama muli ng mga housemate mula sa iba-ibang edisyon ng “PBB” na unang napanood sa ABS-CBN noong 2005. Ang “PBB” host na si Bianca Gonzalez ang mangunguna sa “PBB Kumunity Season 10 Kumu Party” na magsi-stream sa Kumu sa ganap na 3 pm.  

Abangan ang iba pang exciting announcement tungkol sa “PBB Kumunity Season 10” sa Facebook (@PBBABSCBNTV), Twitter (@PBBABSCBN), at Kumu (@PBBABSCBN). 

Para sa ibang balita sa ABS-CBN, i-follow ang @ABS-CBNPR sa Facebook,Twitter, TikTok, at Instagram (@abscbnpr) o pumunta sa abs-cbn.com/newsroom.