News Releases

English | Tagalog

JM pinagtangkaan muli ang buhay ni Gerald sa "Init sa Magdamag"

August 28, 2021 AT 02:09 PM

Desperadong-desperado na si Peterson (JM na Guzman) na mawala si Tupe (Gerald Anderson) sa buhay nina Rita (Yam Concepcion) at baby Andrew dahil ipinautos niyang muli na patayin ito sa hit serye na "Init sa Magdamag," na napapanood gabi-gabi, 9:20 sa TV5, A2Z, Kapamilya Channel, Jeepney TV. 

 

Ipinatugis niya ito kay Joko (Manuel Chua) dahil hindi na niya kaya pang makita si Tupe na malapit kay Rita at baby Andrew lalo pa nang tumira ang mag-ina sa bahay ng binata matapos madiskubre na nagtanim si Peterson ng camera sa bahay ni Raymund (Albie Casino). 

 

Ngunit inuusig na ng konsensya niya si Joko (Manuel Chua) at gusto na nitong aminin kay Tupe na si Peterson din ang may pakana sa pagkamatay ng kanyang ama. Napigilan lang siya ni Lab (Boom Labrusca) na gawin ito dahil sila naman ang malalagay sa panganib kapag hindi nito ituloy ang pagpatay kay Tupe.   

Patuloy naman ang hidwaan nina Peterson at Rita sa korte para sa annulment. Lubos na ikinagalit ni Rita ang pagfile ni Peterson ng petisyon para sa sole custody ni baby Andrew dahil may ilusyon itong sasama sa kanya si Rita. 

 

Magawa kaya ni Joko na tapusin na ang buhay ni Tupe? Hanggang kailan kaya nila matatago ang katotohang ito kina Tupe at Hannah? Manalo kaya sa custody case si Peterson? 

 

Panoorin ang huling buga ng “Init sa Magdamag” gabi-gabi, 9:20 sa TV5, A2Z, Kapamilya Channel, Jeepney TV at Kapamilya Online Live sa YouTube channel at Facebook page ng ABS-CBN Entertainment. Sa labas ng bansa, ito ay mapapanood sa The Filipino Channel habang ang advance episodes nito ay nasa iWantTFC at WeTV iflix.  

 

Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, Instagram, at TikTok o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.