News Releases

English | Tagalog

“Pinoy Big Brother Kumunity Season 10," sisimulan na ang paghahanap sa bagong housemates sa Kumu

August 30, 2021 AT 04:42 PM

Search for “Pinoy Big Brother Kumunity Season 10” housemates begins this September on Kumu

After last week’s big announcement on the return of the popular reality show, auditions for the Adult Edition will officially open on September 1 to 30 via the Pinoy community platform Kumu.

Toni, Bianca, at Robi, balik bilang main hosts…

Sisimulan na ang paghahanap sa mga bagong housemate na bubuo sa “Pinoy Big Brother (PBB) Kumunity Season 10” na muling papatunayan at ipapakita sa buong mundo ang likas na galing, katatagan, diskarte, at kabutihan ng Pilipino.

Pagkatapos  i-anunsyo ni Kuya ang nalalapit na pagbubukas ng kanyang bahay noong nakaraang linggo, opisyal nang bubuksan ang auditions para sa Adult Edition sa Setyembre 1 sa pamamagitan ng Pinoy community platform na Kumu.

Bukod sa Adult Edition, magkakaroon din ng Celebrity at Teen Editions ang ika-sampung regular season ng “PBB.”

“We wanted to give viewers something new. Matagal na rin kasi na wala tayong celebrity housemates na group. The last one was Lucky Season 7 pa. Ngayon sila ‘yung magsisimula ng season then followed by adults and teens then sa dulo may mangyayaring twist na dapat abangan,” sabi ng creative head ng “PBB” na si Marcus Vinuya sa ginanap na virtual media conference noong Lunes (Agosto 30).

Kasama rin doon sina ABS-CBN entertainment production head at Star Magic head na si Lauren Dyogi at ang hosts na sina Toni Gonzaga, Bianca Gonzalez, at Robi Domingo, na lubos rin ang pasasalamat sa pagbabalik ng programa.

“Doing ‘PBB’ is like a part of our lives already, nina Bianca and Robi. This is our second home. And it’s always a big blessing when we are given an opportunity to do another season para sa ating mga Kapamilya,” ani Toni, na naging bahagi na ng “PBB” mula nang una itong inilunsad noong 2005.

Sabi naman ni Bianca, na nanggaling sa “PBB Celebrity Edition 1,” bukod sa pasasalamat nila na magkakasama-sama muli ang “PBB” family sa kabila ng pandemya, masaya rin siya para sa fans ng programa.

“Kita mo ‘yung saya nung tao…‘yung fans na sobrang excited na sumaya, ma-inspire. Kasi in the middle of everything na pinagdaraanan natin grabe ‘yung joy, ‘yung inspiration, ‘yung hope na nabigay nung last season sa napakaraming manonood.”

Kwento naman ni Robi, Season 9 Big Night pa lang ay hinihirit na nila na magkaroon ng Season 10.

“Just like the theme, ‘yung pangarap pwedeng magkakatoo. Saktong-sakto few months after the Big Night eto na we’re gonna have the auditions for the tenth season of PBB,” ani ng runner-up sa “PBB Teen Edition Plus” na isa na ngayong tanyag na host at respetadong youth advocate. 

Ibinahagi naman ni Direk Lauren ang saya niya tuwing nakikita muli sina Toni, Bianca, at Robi na magkakasama, pati na rin ang iba pang ex-housemate na nananatiling parte ng programa sa kani-kanilang paraan.

“Every time I see ex-housemates also getting their lives better, it gives us the motivation and the drive to continue with ‘PBB.’ Kasi ito talaga ‘yung patuloy na kahit papano nagbabago ng buhay. That experience alone, of auditioning and being a housemate, talagang may maidudulot itong mabuti sa inyo. On behalf of ABS-CBN management, we would like to thank Kumu for partnering again with us for this new season,” aniya.

Kanya-kanya ring kwento ng mga karanasan, natutunan, at tips para sa mga aspiring housemate ang iba pang ex-housemates na ginanap na “PBB Kumunity Season 10” Party noong Biyernes na mapapanood pa rin sa Kumu.

Mensahe sa kanila ni Big Brother, “Natutuwa akong malaman na hanggang ngayon ay pinapahalagahan ninyo ang mga alaala ninyo sa loob ng aking bahay at patuloy na isinasabuhay ang mga aral na natutunan ninyo bilang housemates. Naway patuloy kayong maging ehemplo sa mga susunod pang magiging housemates ng aking bahay.”

Para mag-audition sa “PBB Kumunity Season 10,” kailangan lang mag-download ng Kumu app, gumawa ng account, at mag-upload ng isang minutong Kumu clip kung saan ipapakilala ng aspiring housemate ang kanyang sarili, sasabihin kung bakit siya ang karapat-dapat na maging housemate, at gagamitin ang hashtag na “PBBKumuAdults.”

Hanggang Setyembre 30 ang auditions para sa Adult Edition para sa mga may edad na (20 hanggang 40 years old) habang mula Disyembre 1 hanggang Disyembre 31 naman ang auditions para sa Teen Edition para sa mga may edad na 15 hanggang 19 years old, na gagamit naman ng hashtag na “PBBKumuTeens.”

Abangan ang iba pang exciting announcement para sa “PBB Kumunity Season 10” sa Facebook (@PBBABSCBNTV), Twitter (@PBBABSCBN), at Kumu (@PBBABSCBN). 

Para sa ibang balita sa ABS-CBN, i-follow ang @ABS-CBNPR sa Facebook,Twitter, TikTok, at Instagram (@abscbnpr) o pumunta sa abs-cbn.com/newsroom.