News Releases

English | Tagalog

"The Best Talk" nagbabalik; Angel Locsin, makakakwentuhan ni Tito Boy

August 31, 2021 AT 01:40 PM

Mala-fast talk na usapan tampok sa bagong segment
 
Mapapanood muli ang King of Talk na si Boy Abunda sa kumu sa bagong season ng “The Best Talk,” na magsisimula na ngayong Sabado (Setyembre 4) sa FYE channel.
 
Bibida sa virtual hot seat sa unang episode nito ang Kapamilya actress na si Angel Locsin, na makakawentuhan ni Tito Boy tungkol sa kanyang recent wedding sa film producer na si Neil Arce.
 
Ka-abang-abang din ang bagong segment ng programa na ‘Kumu Fast Talk,’ ang digital version ng ‘Fast Talk’ segment na pinasikat ng batikang host sa kanyang “Tonight with Boy Abunda” talk show sa ABS-CBN.
 
Tampok din sa digital show ang kumu version ng Masterclass na tatawaging ‘Boy Abunda Sessions,’ kung saan magbabahagi si Tito Boy ng kanyang tips tungkol sa iba’t-ibang topics tulad ng public speaking at pagpasok sa industriya ng showbiz. 
 
Iba pang segments na dapat abangan ang ‘Balitang Kumu’ na may mabilisang rundown sa latest happenings sa loob at labas ng kumu, at ‘Kumu Feature’ kasama ang top streamers of the week, campaign winners, baguhang talents at papasikat na streamers.
 
Meron ding ‘Spill Your Guts’ version ang “The Best Talk” sa segment nitong ‘Bare or Dare’ at ilalahad ang 10 most fascinating people ng 2021 sa pagtatapos ng taon.
 
Samahan ang masasayang kwentuhan sa bagong season ng “The Best Talk” tuwing Sabado, 8:30 pm simula Setyembre 4 sa FYE channel sa kumu. I-download na ang kumu app at sundan ang @fyechannel (app.kumu.ph/fyechannel). Para sa iba pang detalye, sundan ang @fyechannel sa Instagram.
 
Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, TikTok, at Instagram o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 3 PHOTOS FROM THIS ARTICLE