News Releases

English | Tagalog

Vice Ganda, emosyonal sa pagkapanalo ng factory workers ng jackpot sa "Everybody, Sing!"

August 31, 2021 AT 04:01 PM

Vice Ganda turns emotional after factory workers win jackpot in "Everybody, Sing!"

Vice Ganda’s voice broke as she couldn’t help but turn emotional when the songbayanan of factory workers won the P500,000 jackpot prize in ABS-CBN’s “Everybody, Sing!” on Sunday (August 29).

Hindi mapigilan ng host na si Vice Ganda na maging emosyonal sa pagkapanalo ng songbayanan na factory workers ng P500,000 jackpot prize sa “Everybody, Sing!” ng ABS-CBN noong Linggo (Agosto 29).
 
Paliwanag ni Vice, tumatak sa kanya ang kwento ng contestant na si Harra na nawalan ng trabaho sa gitna ng pandemya at hirap ngayon pakainin ang buong pamilya. Siyam sila Harra sa pamilya at misan hindi na kumakain ang nanay niya para makakain pa ang mga anak, kaya feeling ni Vice, karapat-dapat masungkit ng factory workers ang jackpot.
 
“Hindi ko kasi kaya ‘yung istorya ni Harra. Hindi kumakain ‘yung nanay at tatay niya kasi hindi sapat. Hindi ko kaya ‘yun, na uuwi siya, tapos mangyayari na naman ‘yun sa kanila.”
 
Dagdag ni Vice, “maliit na tulong ito, itong bigay naming sa inyo. Bukod sa fun, bukod sa entertainment, gusto naming kayong tulungan. Kung puwede lang naming kayo tulungan lahat. Maliit lang naman ‘yan, pero ang sarap sa pakiramdam.”
 
Noong Sabado naman (Agosto 28), naging masaya ang kantahan ni Vice Ganda na nagdamit Hello Kitty kasama ang songbayanan na flight attendants na nagwagi ng P35,000 sa jackpot round. Kwento nila kay Vice, hindi lang puro paganda ang kanilang propesyon. Kailangan din ng pasensya at mabuting pakikitungo sa iba’t ibang tao.
 
Ngayong weekend (Setyembre 4 at 5), tunghayan ang songbayanan mula sa tourism sector at stage performers. Palarin din kaya sila? Abangan sa “Everybody, Sing!” kasama si Vice Ganda at ang resident band na Six Part Invention tuwing 7 pm ng Sabado at Linggo sa  A2Z, Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, iWantTFC, at TFC. Para sa latest tungkol sa “Everybody, Sing!” i-follow ang @EVERYBODYSINGPH sa Facebook, Twitter, at Instagram.