News Releases

English | Tagalog

Concerts nina Ian at Rico, "Revirginized" ni Sharon mapapanood sa iWantTFC

August 06, 2021 AT 01:56 PM

“The Other Wife,” “Nerisa,” concert ni Sam Concepcion worldwide

Siksik sa pinakamalalaki at inaabangang mga pelikula at concerts ang iWantTFC ngayong Agosto dahil dadalhin nito ang “Revirginized” ni Sharon Cuneta, ang digital concerts nina Rico Blanco at Ian Veneracion, at marami pang iba sa buong mundo.

Isang mapusok na Sharon Cuneta ang magbabalik-pelikula kasama si Marco Gumabao sa sexy film na “Revirginized,” kung saan susubukan ni Mega na umibig muli pagkatapos siyang iwan ng kanyang asawa. Mapapanood ito simula Agosto 6 sa halagang P249 para sa users sa Pilipinas o US$4.99 naman para sa mga manonood sa ibang bansa.

Haharanahin naman ni Ian Veneracion ang fans niya sa “Pajamajama: An Online Sleepover with Ian.” Kiligin at makikanta kasama ang ultimate heartthrob sa halagang P899 o US$17.99 kada show ngayong Agosto 27 ng 8 PM (Manila time) at Agosto 28 ng 11 AM (Manila time).

Gaganapin naman ang virtual concert na "Rico Blanco Songbook: Musical Stories by Rico Blanco" kasama ang December Avenue, Ebe Dancel, Callalily, Spongecola, Gibbs Sisters, Earl Generao, Mayonnaise, This Band, John Roa, Raphiel Shannon, Janine Teñoso, at Sarah Geronimo sa Agosto 7 ng 8 PM (Manila time). Pwedeng bumili ng tickets sa halagang P299 o US$5.99.

Magsasama-sama naman sina Sam Concepcion, Janine Teñoso, Darryl Ong, at Katrina Velarde para sa isang gabing puno ng kantahan at pag-ibig sa “Four Hearts: A Digital Concert” ngayong Agosto 28 ng 8 PM (Manila time). Available na ang tickets sa presyong P999 o US$19.99.

Mababalikan din ang saya at kulitan kasama ang Unkabogable Star sa “Vice Ganda Gandemic: The VG-Tal concert” ngayong Agosto 15 ng 9 PM (Manila time) sa halagang P999 o US$19.99.

May bagong Pinoy movies din na kasalukuyang napapanood sa iWantTFC sa halagang P249 o US$4.99, tulad ng sexy drama films na “The Other Wife” nina Lovi Poe, Joem Bascon, at Rhen Escaño at ang “Nerisa” nina Cindy Miranda at Aljur Abrenica. Patuloy pa ring mapapanood ang “Ang Babaeng Walang Pakiramdam,” “Momshies: Ang Soul Mo’y Akin,” “Tenement 66,” at ang drama-thriller na “Watch Me Kill.”

Mapapanood din sa buong mundo ang musical film na “Damaso” sa halagang P149 o US$2.99, habang mapapanood sa Pilipinas ang American romance drama na “Show Me What You Got” sa halagang P199.

Mae-enjoy ang mga pelikula at concerts na ito sa iWantTFC app (iOs at Android) o sa iwanttfc.com. Mapapanood din ang iWantTFC sa mas malaking screen sa piling devices gaya ng VEWD, ROKU streaming devices, Android TV, piling Samsung Smart TV models, Telstra TV para sa users sa labas ng Pilipinas, at VIDAA para sa piling mga bansa. Available na rin ang iWantTFC via Chromecast at Airplay. Para sa kumpletong listahan ng compatible devices, sign in instructions, at account activation, bisitahin ang https://iwanttfc.com/help#tfc-on-smart-tv.

Para sa updates, i-like ang www.facebook.com/iWantTFC o sundan ang @iwanttfc sa Twitter at Instagram, at mag-subscribe sa www.youtube.com/iWantTFC. Kung may mga katanungan naman, ipadala ang mga ito sa Facebook page ng iWantTFC o mag-e-mail sa support@iwanttfc.com.