News Releases

English | Tagalog

Bagong kanta ni Shawntel, paglahad ng pag-ibig para sa special someone

September 01, 2021 AT 04:04 PM

“Sana’y Damhin” ang masidhing pakiusap niya

May pangako para sa isang espesyal na tao ang dating “PBB Otso” housemate na si Shawntel sa kanyang bagong labas na single na “Sanay’ Damhin.”
 
Ani Shawntel, kwento ng personal niyang karanasan sa pag-ibig ang kanta mula sa Star Pop. “Merong moment sa buhay ko na nawala ko ‘yung sarili ko sa isang tao, pero dahil din sa kanya nahanap ko ‘yung daan pabalik sa sarili ko, kung saan nagmumula at umaapaw ang pagmamahal.”
 

Isinulat, in-arrange, at ipinrodyus ni Shawntel ang madamdaming ballad kasama si Shadiel Chan, na nagpaparating ng pagka-miss at nagpapahayag ng pagmamahal para sa isang tao na iba ang nararamdaman.
 
Bida sa “Sana’y Damhin” ang malamig na boses ni Shawntel, na maririnig kasama ang mellow piano instrumental. Napabilang sa “New Music Friday” playlist ng Spotify Philippines ang kanta sa ngayon.

 
Noong 2019, naglabas siya at kapwa “PBB Otso” housemate na si Kiara Takahashi ng rendisyon nila ng “Reason Enough” ni Regine Velasquez. Noong nakaraang taon naman, naglabas din siya ng sariling bersyon ng “Catch Me I’m Falling” ni Toni Gonzaga. Si Shawntel din ang boses at songwriter sa likod ng kantang “You’re Makin’ Me Kilig.”
 
Pakinggan ang single ni Shawntel na “Sana’y Damhin” sa Star Music YouTube channel at sa iba’t ibang digital music streaming platforms. Para sa iba pang detalye, sundan ang Star Pop sa Facebook (www.facebook.com/starpopph) at sa Twitter at Instagram (@starpopph).

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 3 PHOTOS FROM THIS ARTICLE